Showbiz
Agaw Pansin Ang Isang Dalagang French-Taiwanese Dahil Sa Laki Ng Pagkakahawig Kay Marian Rivera

Pinag-uusapan ngayon sa social media ang isang dalaga mula sa bansang Taiwan, dahil maliban sa pagkakaroon niya ng magandang mukha ay mas naging agaw-pansin nga sa mata ng mga netizens ang pagiging kamukha umano nito sa GMA Primetime Queen na si Marian Rivera.
Kinilala ang nasabing dalaga na si Lea Dumortier, ito ay base nga sa pangalan niya sa kanyang Instagram at TikTok account.
Makikita nga sa mga video at larawan ng nasabing dalaga, na kapag pinagmasdang mabuti ang kanyang mukha ay talaga namang masasabi nga na ito ay mayroong malaking pagkakahawig sa hinahangaan nating aktres sa Pilipinas na si Marian Rivera.
Dahil nga sa pagkakahawig niyang ito sa Primetime Queen, halos lahat ng kanyang mga video sa kanyang IG at TikTok, ay inuulan ng mmga komento patungkol nga sa pagkakahawig niya sa Primetime Queen.
Narito nga ang ilan sa mga mababasang komento sa mga video ng dalagang si Lea Dumortier.
“U look like the primetime queen in GMA a celebrity, her name is Marian Rivera”, ani @clarissaarnaiz2
“Combination of Marian Rivera and Carla Abellana. So pretty”, sabi naman ni @Diosan Mendez Wagas
“Tehh, hinahanap ka ni DingDong magluto ka na daw”, ang komento naman ni @CLAIR GONZALES
“You looked like Marian Rivera. Pati yung nunal sa mukha”, @Marian Padilla2385
“Parang ang bilis naman lumaki ni Maria Letizia, parang kailan lang e bata pa yun’, ang naging pabirong komento naman ni @Camilla Pineda Dahil nga sa kanyang taglay na kagandahan na may hawig nga umano sa Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera, ay marami ring mga netizens ang nagtatanong at nais malaman kung may dugo bang Pinoy ang dalaga. Ngunit ayon nga kay Lea, siya ay isang dalaga na may lahing Frech/Taiwanese.
Samantala, para naman bigyan pa ng aliw ang mga humahanga sa kanyang angking ganda na hawig nga sa mga kilalang celberity, ay gumawa ng isang video si Lea kung saan ay ikinumpara nga niya kung sino talaga ang mga Pinay celebrity na ka look-alike niya. Kabilang nga sa mga Pinay celebrity na ito ay sina Marian Rivera, Kristine Hermosa at Carla Abellana. Ngunit ayon nga sa mga naging komento ng mga netizens ay kay Marian Rivera talaga umano siya mayroong malaking pagkakahawig.
May ilan namang mga netizens na kinumbinsi ang dalaga na pumasok sa mundo ng showbiz, ngunit batid naman nating lahat na bago niya mapasok ang Philippine Showbiz Industry ay kinakailangan muna nitong matuto na magsalita ng Tagalog, kung sakali man nga na maisipan niya na mag-artista sa Pilipinas.
Para naman kay Lea Dumortier ay talagang nakaka-overwhelmed ang mga natanggap niyang mensahe mula sa kanyang mga tagahanga, lalo na nga’t ang kanyang taglay na ganda ay naikumpara ng mga ito sa mga sikat na Pinay celebrity sa Pilipinas.
