Connect with us

Showbiz

Agaw Pansin Ngayon Sa Showbiz Ang Napakagandang Half Korean Actress Na Si Angeli Khang

Published

on

Kaagad na nakuha ng half-Korean actress na si Angeli Khang ang atensyon ng mga netizens sa kabila ng pagiging isa niyang bagong sibol na aktres sa industriya ng showbiz, at ito nga ay dahil sa taglay niyang kagandahan na talaga namabg hinangaan agad ng marami.

Si Angeli Khang o Agnes Khang sa tunay na buhay ay isang dalaga na may lahing half-Korean. Bago pa man ipinalabas sa mga sinehan ang pinakabagong pelikula ng Vivamax ay mayroon muna ngang naganap na virtual press conference, kung saan naikuwento ni Angeli ang karanasan at buhay niya bago pa man siya nakapagdesisyon na pasukin ang pag-aartista.

Ayon sa aktres, ang kanyang Daddy ay isang general sa army, kaya naman hindi naging madali sa kanya na kumbinsihin itp patungkol sa kanyang kagustuhan na pasukin ang mundo ng showbusiness.
“When he knew about my modeling he wasn’t supportive kasi ang gusto niya mangyari sa akin ay sundan ang yung landas niya sa army and he said that it has a lot of better opportunities din”, paglalahad nga ni Angeli.

Dahil sa kagustuhan niya na mabigyang katuparan ang kanyang pangarap, ay ang Mommy naman umano niya ang kanyang kinumbinse at pinayagan nga siya nito sa gusto niya na maging isang artista, kung kaya naman ngayon labis ang kanyang kasiyahan dahil talaga namang mahal niya at gusto niya ang kanyang ginagawa.

Pagbabahagi pa ni Angeli, kinailangan niyang itigil ang pag-aaral niya para bigyang katuparan ang kanyang pangarap. Dagdag pa niya, naramdaman niya ang kagustuhan niya na maging isang artista, ng sumabak siya sa pagco-cosplay at doon nga iya nadiskubre kung ano ang talagang nais niya.
“Nagawa ko ito dahil dream ko maging artista. Kaya nung nagkaroon ako ng opportunity, I lefg my school dahil isang opportunity lang ito sa buhay”, aniya.

Sa kabila naman na nagdesisyon si Angeli na tumigil pansamantala sa kanyang pag-aaral ay naibahagi niya na may plano pa rin siyang balikan ito dahil nais din niyang maging chef o lawyer sa hinaharap, ngunit sa kasalukuyan nga ay nais muna niyang mag pokus sa karerang kanyang tinatahak.
Pinasalamatan naman niya ang manager niyang si Jojo Velasco, dahil sa ito nga umano ang nakadiskubre ng kanyang potensyal sa pag-aartista.

Samantala, ang pelikula nga na kabibilangan ni Angeli ngayon ay may titulong “Mahjong Nights”, kung saan ayon sa kanyang ay talagang pinaghandaan niya ang magiging karakter niya rito sapagkat batid niya na ito ang magiging ‘stepping stone’ niya upang mas lalo pang makamit ang tagumpay sa karerang tinatahak niya ngayon.

Inanyayahan naman ni Angeli ang lahat na huwag palampasing panoorin ang pelikulang “Mahjong Nights”, na ayon nga sa kanya ay ipapalabas na ngayong darating na ika-12 ng Nobyembre. Saad pa niya, isa ito napakagandang pelikula at ‘eye opener’ para sa lahat. Makakasama niya rito ang aktor na si Sean de Guzman.