Entertainment
Aktor Na Si Alex Diaz Ibinahagi Ang Katuparan Ng Pangarap Na Bumida Sa Isang Hollywood Project

Tunay ngang kahanga-hanga ang talento ng mga Pinoy. Si Alex Diaz ay isa sa mga aktor na nagkaroon ng matagumpay na karera dito sa Pilipinas. Ngunit sa kabila ng magandang karera niya, ay hindi pa rin naman nawawala sa kanyang isip ang noon pa man ay kanyang pangarap, at ito nga ay ang mapabilang sa isang proyekto sa ‘Hollywood’. Ito ay upang mas maipamalas nga niya ang kanyang husay at talento sa pag-arte.
Hindi naman nabigo si Alex, dahil may oportunidad na nagbukas sa kanya na mapabilang sa isang proyekto sa Hollywood, ito nga ay ang naging pagkakataon niya na mapabilang sa “Glitter and Doom.”
Hindi nama inasahan ng aktor, na ang gagampanan niya sa nasabing proyekto ay ang bidang si Glitter, kaya naman labis nga ang kanyang nadamang kasiyahan. Dahil sa galak na kanyang nararamdaman ay agad ngang ibinahagi ni Alex sa kanyang Instagram account ang magandang balita na ito para sa kanya.
‘Finally, able to announce my first international film #GlitterAndDoomTheMusical where I will be starring as Glitter alongside my lovely onscreen partner, the estremely talented Allan Cammish, British actor from the UK who will be playing Doom!”, ang naging pahayag nga ni Alex sa kanyang IG post, kalakip ang larawan na kuha nga sa set ng Glitter and Doom.
Hindi naman napigilan ni Alex ang ma-starstruck lalo na nga’t kasama sa naturang proyekto ang ilan sa matatagumpay na artista mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Kahit isang sikat na artista si Alex sa Pilipinas, ay labis pa rin ang paghangang kanyang naramdaman ng makita at makasama na nga sa isang proyekto ang ilang mga Hollywood stars.
Ibinahagi rin ng aktor, ang kanyang mga naging karanasan sa nasabing pelikula, at isa na nga rito ay ang naging pagganap niya bilang ang anak ng aktres na si Ming-na Wen, kilala ng marami bilang ang babaeng nasa likod ng boses ni Mulan, at isa rin siyang Asian-American Actress.
Kuwento nga ni Alex, noong una talaga ay na-intimidate siya ng makita su Ming-na Wen, ngunit ng pareho na silang umarte sa iisang scene ay agad naman silang nagkamabutihang dalawa. Dahil sa husay na actress ni Ming-na Wen ay marami ngang natutunan si Alex sa kanya, na ayon nga sa aktor ay kanyang ipinagpapasalamat sa Asian-American actress.
Isa sa mga inaabangang LGBTQ+musical na pelikula ang “Glitter and Doom” at ito nga ay pinagbibidahan nina Alex Diaz at Allan Cammish, isang British actor. Sa ngayon ay marami na nga ang nag-aabang ng nasabing pelikula, ngunit wala pa namang anunsyo ang inilalabas kung kailan ito ipalalabas,
