Connect with us

Entertainment

Aktor Na Si Dingdong Dantes Proud Delivery Rider Ng Paninda Ni Neil Sese Na Mga Seafoods

Published

on

Ngayong p@ndemy@ ay patok ang negosyong delivery apps, lalo na’t marami sa ating mga kababayan ang natatakot pa rin na lumabas ng kanilang mga tahanan.

Kaya naman ngayon ay humahataw din ang negosyo ni Primetime King Dingdong Dantes, na delivery business, kung tawagin ay ang DingDong apps. Ayon sa aktor, sa negosyo niyang ito ay katuwang niya ang ilang manggagawa mula sa Tv film at Tv industry na nawalan ng trabaho dulot ng p@ndemy@.

Ang mga displaced workers ngang ng entertainment industry ang nagsisilbing delivery rider ng bagong negosyo ng aktor, kaya naman talagang malaking tulong ito para sa mabilis na pag-arangkadang muli ng kanilang mga buhay.

Bago pa man ang pagsisimula ng negosyong ito ni Dingdong, ay sinisigurado naman nito ang safety ng kanilang mga riders, maging ng mga kliyente nila.

Ibinahagi rin ni Dingdong, na walang delivery riders nila ang makakaranas ng mga panlolokong ginagawa ngayon ng mga taong walang magawang mabuti, na oorder ng oorder tapos hindi makikita sa oras na ng delivery, dahil sa inayos talaga umano nila ang iba’t ibang payment options.

“One way really is to automate everything, especially the payment”, ang naging saad nga ni Dingdong.
Dagdag pa ni Dingdong, kasalukuyan ding mas pinaganda pa ang seamless ng kanilang delivery business, para pag nag-order ang kanilang mga customer ay talagang wala ng magiging papalya-palya.

Samantala, sa kanyang Instagram account, ay ibinahagi rin ng Kapuso Primetime King, na maging siya ay nagiging delivery rider din minsan. At nito nga lamang nakaraan, ay siya ang naatasan na mag-deliver ng seafood na ibinebenta ng kapwa artista niyang si Kapuso actor Neil Ryan Sese.

Matatandaan na magkasama sina Dingdong Dantes at Neil Sese sa award-winning Kapuso primetime series na “Descendents of the Sun (The Philippine Adaptation)”, kaya naman sa post ni Dingdong ay nagawa niyang sumagot.

Ibinahagi ng ani Dingdong sa kanyang IG account, ang isang larawan, kung saan ay magkasama sila ni Neil, at katatapos lamang umano noon ng kanilang assignment para sa DingDong PH.

“Rivals on TV, but tag team (and proud) delivery boys in real life. Happy to have delivered fresh seafood from K&G Seafood with Neil Sese today. Ingat tayong lahat sa kalsada na paparating na bagyo. #YouRingItWeBrightIt”, ang naging caption ni Dingdong sa kanyang IG post.

Ayon nga sa Kapuso actor, magkaaway man ang kanilang mga karakter ni Neil sa kwento ng “DOTS PH” tag team naman sila sa tunay na buhay lalo na pagdating sa negosyo.