Connect with us

Entertainment

Aktor Na Si Gerald Anderson Ipinasilip Ang Bago Niyang Beach Resort Sa Zambales

Published

on

Nang lumaganap ang krisis sa ating bansa ay isa nga ang Philippine Entertainment Industry sa labis na naapektuhan, kung saan may ilang mga artista nga ang nawalan ng trabaho at proyekto. Ngunit mapalad ang aktor na si Gerald Anderson dahil isa siya sa mga nagtuloy-tuloy pa rin ang mga proyekto, at hindi nawalan ng trabaho sa kabila ng krisis.

Mas lalo namang pinagbutihan nni Gerald ang kanyan trabaho at talaga namang kanyang ipinamalas ang lahat ng husay at galing niya para mabigyan ng kasiyahan ang lahat ng mga manonood at sumusuporta sa kanya.

Samantala, sa kabila naman ng pagiging abala ng aktor ay sinisigurado naman niya na may nailalaan pa rin siyang oras para sa kanyang personal na buhay, kung saan ay kanya ngang sinisi guro na may oras siya upang makapag-relaks. Isa nga sa mga paboritong gawin ng aktor para makapag-relaks ay ang pamamasyal sa magagandang beach, dahil tunay namang napaka-relaxing sa mga ganitong lugar.
At dahil sa talaga ng ang hilig ng aktor ang pagre-relaks sa beach, ay isa sa ito sa mga napili niyang investment.

Kamakailan nga lamang ay proud na ipinasilip ng aktor ang halos katatapos lamang na beach resort na pagmamay-ari nga niya. Ang naturang beach resort ay tinawag niyang Hayati Beach Resort, at ito nga ay matatagpuan sa Botolan, Zambales. Tunay namang napakaganda at nakaka-relaks an beach resort ng aktor, at ayon nga sa mga lumabas na ulat, ay naging hands-on talaga si Gerald ng ito ay kanyang ipinagawa at halos lahat nga ng ideya at konsepto nito ay sa kanya mismo nanggaling.

Ang Hayati Beach Resort nga na ito ni Gerald, ay mayroong iba’t ibang mga cottage. May cottage na pwede pang-pamilya, mayroon na pwede sa barkada, o cottage na pwede sa magkasintahan o mag-asawa. Mayroon ding basketball court sa loob ng bakuran ng resort na ito ni Gerald, ito ay dahil batid naman natin na ang basketball ay isa sa mga kinahihiligang sport ng aktor, at batid rin niya na marami sa mga magiging turista sa kanyang beach resort ang natutuwa din ang paglalaro ng basketball.

Hindi lamang naman sa dagat maaring magtampisaw ang mga bibisita sa beach resort na ito ni Gerald, dahil maliban sa dagat ay mayroon ding malawak na swimming pool Ang resort. Maliban pa dito ay mayroon ding jacuzzi, bar at bonfire area ang naturang resort na maar ingang paglibangan ng mga bisita.

Pati nga mga bata ay mag-e-enjoy din sa Hayati Beach Resort dahil nagpalagay nga si Gerald dito ng mapaglilibangan ng mga bata, at ito ay isang mini zoo, kung saan ay makikita ang iba’t ibang mga hayop tulad ng ibon at mga isda.

Talaga namang nakaka-relaks ang kabuuang tanawin ng resort na ito ni Gerald at marami nga sa mga netizens na nakapanood ng vlogs ng aktor ang gustong puntahan ang napakaganda at nakaka-relaks ang Hayati Beach Resort.

Sa huling bahagi naman ng vlogs ng aktor ng kanya ngang ipinasilip ang resort niya, ay hinikayat niya ang mga netizens na pasyalan ang property niyang ito. “Sana nagustuhan niyo, at sana ma-experience niyo din one day. Talagang pinaghirapan namin ‘to para sa inyo, para maging comfortable at para mag-enjoy kayong lahat. Come visit us soon!” panghihikayat ng aktor.