Connect with us

Entertainment

Aktor Na Si Gerald Anderson Niregaluhan Ng Bagong Motorsiklo Ang Kanyang Personal Assistant

Published

on

Isa sa mga mahuhusay at gwapong aktor sa industriya ng showbiz sa Pilipinas ay si Gerald Anderson. Ang kanyang karera sa showbiz ay nagsimula noong siya ay mapabilang bilang isa sa mga housemate’s ng reality tv show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother, kung saan matapos nga niyang lumabas sa PBB ay dito na nga nagbukas ang maraming oportunidad para sa kanya, bilang aktor, modelo at iba pa.

Si Gerald ay hinahangaan ng marami dahil sa kanyang angking husay sa pag-arte, taglay na kagwapuhanat karisma, ngunit maliban dito ay mas umani pa siya ng paghanga dahil sa taglay na kabutihan ng kanyang loob sa harap o likod man ng kamera.

Hindi lamang nga sa mga katrabaho niya, kapamilya niya, o kaibigan niya nagpapakita ng kabutihan ang aktor, dahil maging sa kanyang mga tauhan ay malaki ang kanyang pagpapahalaga at malasakit. Kamakailan nga lamang ay ipinamalas ni Gerald kung paano niya binigyan ng kasiyahan ang kanyag Personal Assistant na nagdiwang ng kaarawan nito.

Makikita sa Instagram post ng aktor ang naging pagbabahagi niya ng video kung saan ay kanya ngang sinorpresa ang PA niyang si Jalal Laidan sa araw ng kaarawan nito. Ayon kay Gerald, isa ngang bonggang regalo ang inihanda niya para sa taong malaki ang naitutulong sa kanya at labis niyang pinagkakatiwalaan.

Para nga sa kanyang PA na si Jalal, ay isang bago at napakagandang motorsiklo ang regalo ni Gerald. Saad nga ng aktor, ito ang kanyang napili dahil batid niyang noon pa man ay pangarap na ito ni Jalal. Kalakip nga ng naturang video ay ang caption ng aktor na; “Birthday ng anak ng Sultan na si Jalal tapos ngayon, isu-surprise natin siya with a motorcycle. Matagal na niyang pangarap ‘yan kaya pagbibigyan natin siya.”

Dahil sa napakaganda ngang sorpresa na ito na natanggap mula sa kanyang amo na aktor, ay hindi napigilan ni Jalal ang mapayakap ng ilang beses kay Gerald. Agad rin ngang sinubukan ni Jalal na sakyan at paandarin ang kanyang bagong motorsiklo.

Sa social media account naman ni Jalal ay ibinahagi niya ang kanyang larawan na siya ay nakangiti na nakasakay sa bago niyang motorsiklo, at kalakip nito ay ang kanyang mensahe ng pasasalamat para sa boss niyang si Gerald na nagbigay nga ng katuparan sa matagal niya ng pangarap.
“Maraming salamat sa lahat po! Dream come true! Thank you so much my boss, my brother @andersongeraldjr”, sulat ni Jalal sa kanyang IG post.