Connect with us

Entertainment

Aktor Na Si Michael De Mesa Ipinakilala Na Sa Publiko Ang Babaeng Nagbibigay Kulay At Saya Sa Kanyang Buhay Pag-Ibig

Published

on

Si Michael Edward Gil o Michael de Mesa, ay isang aktor na kilala sa pagiging isang mahusay na kontrabida sa mga pelikula at seryeng kanyang ginagawa. Ngunit kung sa telebisyon, ay nakikita natin ang kanyang karakter na kontrabida, ay ibang-iba naman ang kanyang pagkatao sa tunay na buhay.
Kung titingnan nga ang IG account ng aktor, ay nakikita ang kanyang mga video at larawan, na nagpapakita na siya’y isang masayahin, kalog, at mapagmahal na asawa at ama.

Noong ika-24 ng Mayo 2020, ay ipinagdiriwang na ng aktor ang kanyang ika-60 taong kaarawan, kung saan ay isang simpleng salo-salo lamang ang naganap sa loob ng kanilang tahanan, kasama ang kanyang pamilya.

Ikinasal noong taong 1978 si Michael de Mesa sa dati niyang asawa at aktres na si Gina Alajar. Ang kanilang pagsasama ay tumagal rin ng halos 23-taon bago nga ito humantong sa hiwalayan. Mayroon silang naging tatlong anak, at ito ay sina Geoff, Ryan at Aj Eigenmann.

Matapos ang naging paghihiwalay nila ng dating asawa, ay muling naging masaya at makulay ang buhay pag-ibig ng aktor, ito ay matapos niyang makahanap muli ng babaeng nagpapatibok sa kanyang puso.

Sa ngayon ay kasal na muli si Michael de Mesa, at ang kanya ngang misis ngayon ay si Julie Reyes – Eigenmann, isang dancer/choreographer. Silang dalawa ay ikinasal sa bansang Amerika noong taong 2011.

Malaki man ang agwat ng kanilang mga edad, dahil sa 60-taon na si Michael at 47-taon na naman si Julie, ay hindi naman ito naging hadlang sa pag-iibigan nilang dalawa.
Taong 2010 ng magdesisyon ang mag-asawa na sa Amerika na manirahan, ngunit muli silang nagbalik sa Pilipinas noong taong 2015, dahil sa namimiss nila ang sariling bansa, at ang kanilang mga anak na dito naninirahan.

Ang mag-asawang Michael at Julie ay madalas mag-travel sa iba’t ibang bansa, ngunit dahil sa krisis lumalaganap ngayon, ay hindi muna nila ito nagagawa. Marahil pag natapos na umano ang krisis, ay saka sila muling pagliliwaliw mag-asawa.

Madalas din umanong mag-bonding ang mag-asawa, sa pamamagitan ng pagpunta nila sa GYM para mapanatili na ring malusog ang kanilang katawan, at ang pagsasayaw nilang dalawa sa kanilang tahanan.

Ipinagdiriwang ng mag-asawa ang kanilang ika-9th wedding anniversary noong nakaraang taon, at napakatamis nga ng binitawan nilang mensahe para sa isa’t isa. Julie: “HAPPY 9 years MARRIED, Mr. Eigenmann! We can’t be together on this special occasion but I am beaming LOVE, light and lots of tight HUGS your way. I love you so fiercely, truly, dearly, WITHOUT END. Forever Yours, Julie.

Michael: “9/10/11… a very special date for us. The day we made that lifetime commitment with each other. Thank you, my love, for loving me. As I have said before, I will do my very best to make you the happiest woman on earth. You deserve nothing less. Happy wedding anniversary Hana. I love you very much.”

Hanggang ngayon ay aktibo pa rin ang aktor sa showbiz, kung saan ay napapanood nga natin siya gabi-gabi sa longest running primetime series ng Kapamilya na ‘FPJ, Ang Probinsyano’.