Connect with us

Entertainment

Aktor Na Si Polo Ravales Matapos Ibahagi Ang Ipinagbubuntis Ng Kanyang Fiancee

Published

on

Masaya ngang ibinahagi ng aktor na si Polo Ravales noong araw ng Lunes, ika-5 ng Abril na siya ay soon-to-be-daddy na. Ito ay dahil nga sa ipinagbubuntis na ng kanyang fiancée na si Paulyn Quiza ang magiging panganay nilng anak.

Si Polo Ravales ay isang kilalang aktor sa industriya ng showbiz, samantalang ang kanyang fiancée na si Paulyn Quiza ay isa namang fitness coach. Makikita nga sa Instagram post ng aktor noong ika-5 ng Abril ang pagbabahagi niya sa kanyang Instagram ng isang sonogram photo ng kanila ngang magiging baby. Kalakip nito ay ang caption na kanyang inilagay na;

“Thank you, Lord, for this miracle and blessing”, ani ng aktor. Sa Instagram stories naman ng fiancée ni Polo na si Paulyn ay ibinida nito ang kanyang umuumbok ng baby bump.
“They’re asking if I have a baby bump. Here’s me and Baby P [at] 15 weeks”, ani ni Paulyn.
Ikinatuwa naman ng maraming tagahanga ng aktor ang balitan na ito. Narito nga ang ilan sa mga naging komento;

“Kuya kuy! I’m so excited to see my pamangkin! Love youuuu kuya! Baby in tha fam!!!!”
“Congrats p&p! Can’t wait to meet your bundle of joy.” Samantala, matatandaan nsa naging panayam noon sa kator na si Polo Ravales ay naibahagi nito kung paano nagsimula ang pag-iibigan nila ng kanyang fiancée na si Paulyn.

Sa panayam nga noon kay Polo ni Tito Boy Abunda sa programa nitong Tonight With Boy Abunda ay nagka-chikahan ang dalawa at naibahahagi nga ng aktor kung paano niya nakilala ang kanyang fiancée na ngayon nga ay magiging ina na ng kanyang anak.

Ayon nga kay Polo, buwan ng Disyembre ng makilala niya si Paulyn, kung saan ito nga ay mismong araw ng Pasko. Noong mga panahon na iyon, ay pakiramdam nga ng aktor ay tila may kulang sa kanyang buhay.

“Nagkakakilala kami December 26. December 25, Tito Boy, I wasn’t feeling happy parang may kulang. E parang nung mga panahon nay un sabi ko I’m single so I can date like whoever”, ani Polo. Kuwento pa ng aktor, lumabas siya ng araw na ‘yun kasama ang isang gay friend niya.

At nabanggit nga niya sa kanyang kaibigan na sawa na siya sa pakikipag-date at pagiging single. Na tila ang nais na nga niya ay isang buhay na mayroong direksyon, at matapos nga nu’n ay nakilala niya pagka araw ng ika-26 ng Disyembre si Paulyn.

Paglalahad pa ni Polo, nang una niyang makita si Paulyn ay iba na agad ang naramdaman niya para rito, kung saan tila nga matagal na niya itong kilala. Kung kaya para nga sa aktor, ay unexpected ang naging pagdating ni Paulyn sa kanyang buhay. Sa ngayon nga ay masaya si Polo sa relasyon niya kay Paulyn, at ito nga ay kanya ng fiancé at magiging ina na nga ng kanyang anak.