Showbiz
Aktor Na Si Seth Fedelin Nakikitaan Ng Potensyal Na Maging Isang Heartthrob

Isa sa mga peronalidad ngayon sa mundo ng showbiz na umuusbong ang karera ay si Seth Fedelin. Si Seth ay unang nakilala bilang housemate ng Pinoy Big Brother house, bago pa man nga siya ipakilala bilang bagong mukha sa mundo ng showbiz. Hindi naman nakapagtataka, na sa kabila ng ilang taon pa lamang si Seth sa industriya ay kaagad na siyang umani ng paghanga mula sa maraming netizens. Maliban kasi pagkakaroon niya ng gwapong mukha at karisma, ay tunay rin na siya ay may angking talento pagdating sa pag-arte.
Si Seth ay isa sa mga aktor ngayon na kasalukuyang gumagawa ng kanyang sariling pangalan sa entertainment industry. Siya din ay mas naging popular pa, ng mapabilang siya sa ‘Gold Squad’, kung saan ay mga kasabayan niya na bago at sikat na artista rin ang kanyang mga kasama.
Samantala, dahil nga sa mga taglay na katangian ni Seth, na gwapo, malakas ang appeal, mahusay na aktor, ay hindi na nga nakapagtataka na sa kanyang pagsikat ay isa siya sa mga maging furure heartthrob sa industriya ng showbiz.
Sino ba naman kasi ang hindi mapapangmangha at kikiligin sa isang Seth Fedelin, ang kanyang physical features ay talaga namang kahanga-hanga. Magmula nga sa kanyang mayabong at magandang mata na kulay hazel brown, magandang kutis, cute na hairstyle, at higit ay ang kanyang magaling na pagporma o pagdadala ng kasuotan ay nakakapagbigay nga ng kilig sa sinoman, lalo na sa mga tagahanga niya.
Dahil nga sa mga katangian na taglay na ito ni Seth, ay marami ang nagsasabi na malaki ang tiyansa niyang maging isang heartthrob sa entertainment industry, habang umuusbong pa lalo ang kanyang showbiz career.
Samantala, dahil nga sa hitsura ni Seth na parang foreigner ay marami ang nagtatanong kung ang binatang aktor ba ay may dugong banyaga. Ngunit, ayon nga sa mga ulat na lumabas, ay ‘purong Pinoy’ si Seth, pero maari pa rin naman na ang kanyang mga Lolo o Lola o ninuno ay may nagmula rin sa ibang lahi, kaya naman tila may feature ng ibang lahi si Seth sa kanyang physical appearance.
Hindi lamang naman isang gwapo at mahusay na aktor si Seth, dahil pagdating sa kanyang pamilya, ay maituturing siya na isang ulirang anak dahil kahit noon pa man na siya ay hindi pa kilala at sikat na artista, ay ginagawa na niya ang lahat ng kanyang makakaya upang makatulong sa kanyang mga magulang.
At ngayon nga na may magandang showbiz career si Seth, ay masaya siya na naibibigay niya ang pangangailan ng kanyang pamilya at natutulungan niya ang kanyang mga magulang, dahil para nga sa kanya, ang pamilya niya ang kanyang prayoridad at nais nga niyang mabigyan ang mga ito ng maganda at kumportableng pamumuhay.
