Connect with us

Entertainment

Aktor Na Si Zoren Legaspi Proud Sa Pagiging Bagong Miyembro Ng Highway Patrol Group

Published

on

Kamakailan lamang ay proud na ibinahagi ng dating matinee idol at aktor na si Zoren Legaspi ang bagong karera niya ngayon. At ito nga ay ang pagiging miyembro niya ng HPG o ang tinatawag na Highway Patrol Group, na siyang nagpapanatili ng kaayusan ng batas-trapiko sa ating mga kalsada.

Hindi nga maitago ang kasiyahan ni Zoren, ng suot-suot na niya ang HPG uniform niya, at gampanan na niya ang kanyang tungkulin na panatiling maayos ag daloy ng trapiko sa kalsada.

Ayon nga sa aktor, excited siya na gampanan ang kanyang tungkulin bilang isang HPG, dahil maliban sa pinapanatili niya ang maayos na daloy ng trapiko, ay isa rin sa kanyang dapat gawin ay ang agad na rumesponde kung mayroong aksidenteng kaganapan sa kalsada.

Ibinahagi rin ni Zoren na ang pagpasok niya sa HPG ay hindi naging madali, lalo pa nga’t bibihira lamang ang nabibigyan ng pagkakataon na mapabilang sa ganitong trabaho, na ang layunin nga ay ang maging maayos ang batas trapiko.

“Akala nila peke ito. Pinaghirapan ko ito, hon” ang naging saad nga ni Zoren sa kanyang asawang si Carmina ng sila ay nasa isang episode ng programang ‘Sarap Di Ba?’. Ipinaliwanag din ni Zoren, na walang civilian ang basta-basta nakakapagsuot ng uniporme ng HPG, dahil ito ay ipinasusuot lang sa mga selected civilian na maari ngang magsuot nito.

“Yung mga civilian, hindi basta-basta nakaka-penetrate doon, sa mga selected civilian lang ‘yung maaari. Ako ang isa sa mga lucky civilian na napasama sa grupo kaya pinaghirapan ko ito”, ani pa ni Zoren.
Nilinaw din ni Carmina [misis ni Zoren], na bago nakapag-suot ng HPG uniform ang kanyang mister, ay totoong sumabak ito sa matinding training, dahil isa yo’n sa mga kinakailangan upang maging ganap na miyembro ng Highways Patrol Group o HPG.

“Si tatay po ay…. Nag training for HPG”, pagbabahagi ni Carmina. Binati rin ng actress-host ang kanyang mister dahil sa bagong achievement nito sa kanyang buhay. “Congratulations to him dahil talagang like he said, pinaghirapan niya talaga ‘yan”, ani pa ni Carmina.

At bilang selebrasyon sa bagong karera ng haligi ng tahanan ng Legaspi family, ay masayang nag-family summer getaway sa kanilang resthouse sa Batangas City ang pamilya, at sinulit nga ang masasayang sandal na ito bago sumabak ang bawat isa sa kanila sa kani-kanilang pinagkaka-abalahang karera.