Connect with us

Entertainment

Aktres Na Si Kristine Hermosa Tunay Na Kahanga-Hanga Kagandahan Kahit Lima Ang Anak

Published

on

Kahit na hindi na ganun kaaktibo bilang isang aktres si Kristine Hermosa ay hindi pa rin naman siya nalilimutan ng publiko, dahil maliban sa kanyang husay bilang isang artista ay talagang tumatak sa madla ang kanyang napakaganda at maamong mukha, na hanggang ngayon ay talaga namang hinahangaan pa rin ng marami.

Dahil sa angking kagandahan ni Kristine Hermosa ay isa nga siya sa mga pantasya ng bayan noon, at ,batid rin natin na maraming mga gwapong aktor ang nahumaling at nagkagusto sa kanya. Ngunit ang tunay na nakabihag nga ng puso niya ay ang mister na niya ngayon na si Oyo Boy Sotto, kung saan taong 2011 ng sila ngang dalawa ay magpakasal.

Sa kasalukuyan ay ‘happily married’ na si Kristine at kitang-kita naman talaga ito sa mga ibinabahagi niyang larawan sa kanyang social media.Si Kristine at asawa niyang si Oyo ay nabiyayaan na nga ng limang anak, at dahil nga sa kanilang lumalaking pamilya, ay nagdesisyon ang aktres na isantabi muna ang kanyang karera bilang isang artista at mag-pokus muna sa kanyang mga anak. Sa ngayon nga ay hindi na masyadong aktibo sa showbiz si Kristine, at dahil ito sa pagiging isa niyang hands-on mom sa kanilang mga anak, kahit na nga sila ay mayroon namang mga kasambahay.

Batid naman natin na hindi biro ang maging isang house wife at hand-on mom, ngunit kahit nga napaka-abala ni Kristine sa pag-aaruga sa kanyang mga anak, ay hindi pa rin naman niya napapabayaan ang kanyang sarili, at hanggang ngayon nga ay talaga namang marami pa rin ang humahanga sa kanya, dahil kahit lima na ang mga anak nilang mag-asawa ay napakaganda niya pa rin.

Maliban nga sa pag-aalaga ng mga anak, ay ay nagagawa pa ni Kristine ang magtanim sa kanyang maliit na hardin at pagbutihin ang hilig niya sa pagluluto at pagbi-bake.Samantala, marami naman ang nakapansin na hanggang ngayon nga ay hindi pa rin kumukupas ang taglay na kagandahan ng nag-iisang Kristine Hermosa, kung saan tila nga kahit na lima ang anak na kanyang inaalagaan ay mas lalo pa nga siyang nahging-blooming at maging ang pagkakaroon ng seksi at fit na pangangatawan ay napanatili pa rin niya.

Isa nga sa mga Instagram post ni Kristine na labis na umani ng napakaraming papuri mula sa mgha netizens ay ang kanyang selfie photo na makikita ng malapitan ang kanyang napakagandang mukha na walang anumang bakas ng make-up. “Magic happens when we “SMILE” it’s uplifting and contagious”, caption nga ni Kristine sa larawan.