Connect with us

Entertainment

Aktres Na Si Valeen Montenegro ‘Happily In-Love’ Sa Kanyang Boyfriend

Published

on

Happily in-love ngayon ang aktres na si Valeen Montenegro, at ito ay makikita nga sa kanyang mga ibinabahaging larawan sa social media niya kung saan ay kasama niya ang kanyang boyfriend na siya ngang nagpapaligaya sa kanyang buhay pag-ibig ngayon. Nito lamang nakaraan sa Instagram account ni Valeen na may username na @valeentawak ay kanyang ibinahagi ang naging pagdiriwang nila ng anibersaryo ng kanyang boyfriend.

Makikita sa IG post ng aktres ang ilang mga captured moments nilang magkasinatahan, kung saan ito nga ay tila kinunan habang sila ay nagha-hiking dahil sa ang kanilang background sa larawan ay magandang tanawin at kapansin-pansin na sila ay nasa mataas na parte ng isang lugar.
“I love loving you. Happy anniversary @rielmanuel [red heart emoji”, ang mababasa ngang caption sa naging post na ito ni Valeen.

Sweetness overload naman talaga ang larawan na ito ng magkasintahan, dahil makikita na sa bawat larawan kung hindi sila magkaakbay ay magkayakap naman sila. Hindi naman maipagkakaila na isang napakagandang lugar ang nasa background photo ng magkasinatahan, dahil napakaganda ng overlooking view nito.

Mayroong din namang mga selfie photo si Veleen at ang kanyang boyfriend, kung saan ay kitang -kita ang pareho nilang naturan na ganda at kagwapuhang taglay dahil sa close-up photo ito. Bakas rin naman talaga sa awra ng dalawa at sa mga ngiti nila sa kanilang mga labi kung gaano sila kasaya sa piling ng isa’t isa.

Marami naman sa mga netizens at kaibigan ni Valee sa showbiz ang nagibigay komento sa mga sweet photos ng aktres kasama ang kanyang nobyo, at ang iba naman ay nagpahatid ng kanilang pagbati para sa magkasinatahan sa pagdiriwang ng mga ito ng kanilang anibersaryo.

Nagkomento ng heart at eyes emoji ang aktres na sina Lovie Poe at Yasmien Kurdi. Ang aktres naman na si Ina Feleo ay nagkomento ng, “Grabe yung I love loving you[red heart emoji]” “Happy Anniversary [emoji with heart eyes] naman ang naging komento ng pagbati para sa magkasintahan ng aktor na si Benj Manalo.

Isang kilalang Filipina actress, comedian at model si Valeen Montenegro. Ang kanyang karera sa indutsriya ng showbiz ay nagsimula noong taong 2006, kung saan ay mula nga noon ay hindi na rin mabilang an kanyang mga naging proyekto.

Ang boyfriend naman ni Valeen na si Riel Manuel ay isang Filipino Business Professional. Makikita naman sa IG account nito na may itinatago itong husay pagdating sa photography at cinematography.
Taong 2018 ng magsimulang mag-date sina Valeen Montenegro at Riel Manuel.