Connect with us

Stories

Alam Niyo Ba Na May Isang Lugar Sa Pilipinas Na May Sariling Gawang Pera

Published

on

Bawat isang bansa ay mayroong namumuno, kung saan siya ang pinakataas-taasan sa lahat ng tao sa naturang bansa, na siya ring gumagawa at nag-iisip ng paraan upang mapa-unlad ang bansang kanyang nasasakupan.

Marami sa mga bansa, ay pinamumunuan ng Presidente, na nalukloklok sa nasabing posisyon sa pamamagitan ng boto ng mga mamamayan ng isang bansa. Ngunit may ilang mga bansa naman, na pinamumunuan ng Hari at Reyna, o kadalasan nga’y kilala bilang ang Royal Family,

kung saan sariling bansa naman nila ang kanilang pinamumunuan, at kapag nais na nila bitawan ang pagiging hari o reyna ay ipinapasa nila ang kanilang posisyon sa kanilang mga anak o di kaya naman ay kaapo-apohan.

Samantala, batid niyo ba na dito sa ating bansa [Pilipinas], maliban sa Presidente, ay may isang lugar pala, na pinamumunuan ng isang hari at reyna, at ang mga ito umano ay tinaguriang mga dugong-bughaw.

Ang usapin ngang ito ay talagang naging agaw-pansin sa social media, dahil sa marami nga naman talaga sa atin ang hindi nakakababatid, na mayroon palang lugar dito sa Pilipinas, ang maliban sa president, ay may hari at reyna na namumuno.

Ayon nga sa mga naging ulat, ang lugar umanong ito na pinamumunuan ng hari at reyna, ay ang Pala-o, Iligan City sa Mindanao, kung saan ay mala-palasyo ang umiiral na pamahalaan.

Mayroon nga umanong lugar sa Pala-o na tinatawag na “Kingdom Filipina Hacienda”, kung saan ito umano ay isang sariling nasasakupang lugar , na mayroong sariling kasaysayan na pinamumunuan ng isang hari at reyna.

Ang mas nakamamangha pa sa lugar na ito, ay ang pagkakaroon nila ng sarili nilang “money currency”, na ang mga mukhang makikita ay mukha ng kanilang hari at reyna.

Tila nga mga fake money kung titingnan ang perang ito, dahil nga sa naiiba ito sa perang inilalathala ng Bangko Sentral ng Pilipinas, ngunit magkaganoon man, ay tinatanggap umano ito sa mga pamilihan sa nasabing lugar.

Tunay ngang kamangha-mangha na malaman na may lugar pala sa ating bansa na may ibang namumuno, at mas madaragdagan pa ang pagkamanagha, dahil sa maliban sa pagkakaroon nila ng sarili nilang gawang pera, ay mayroon din umano silang sariling watawat, na ang hitsura ay hindi rin naman nalalayo sa watawat ng ating bansa.

Minsan nan gang napalabas ang kwentong ito sa isa sa mga programa ng Kapuso network, at ito nga ay sa “Kapuso Mo, Jessica Soho”, kung saan ay talagang marami ang hindi makapaniwala sa ulat na ito.

Pinaniniwalaan naman ng iba, na ang mga taong ito na may sariling pamahalaan sa ating bansa, ay ang mga taong tumiwalag sa mismong pamahalaan ng Pilipinas, na naisipan nan gang magtatag ng kanilang sariling pamahalaan, kung saan sila at ang kagustuhan nila ang masusunod.

Tila nga naman napaka-imposible na magkaroon ng ibang pamahalaan sa ating bansa, dahil sa iisa lamang ang pamahalaan na ating kinalakihan at napag-aralan, at ito ang ating ngayon ang ating sinusunod at pinaniniwalaan.