Connect with us

Entertainment

Alamin Ang Ginawang Pagbabawas Ni Mickey Ferriols Mula XL Size Papuntang Medium Size

Published

on

Para makapagbigay ng inspirasyon sa kanyang mga kapwa mommy, ay bukas na ibinahagi ni Mickey Ferriol ang kanyang naging fitness journey. Batid ng marami sa atin, na marami sa bawat isang kababaihan ang kapag nagbubuntis ay nagkakaroon ng malakig pagbabago sa kanilang katawan, kung saan ay umaangat nga ang kanilang timbang.

At hindi nga naman kusang nawawala ang sobrang timbang ng isang babae, kapag siya’y nakapanganak na. Kaya naman talagang isa ito sa mga suliranin ng isang ina, kung paano ang magbawas timbang at paunti-unti ay maibalik ang magandang pangangatawan.

Isa nga ang katres na si Mickey Ferriol sa mga mommy na matapos ang naging pagbubuntis at panggnganak niya sa anak niyang si Brent ay naging suliranin na ang bigla ngang paglaki niya at pagtaas ng kanyang timbang.

Kamakailan nga lamang ay inamin ni Mickey ng siya ay makapanayam sa programang Pinoy MD na tulad ng ibang mga nanay ay naranasan din niya ang depresyon dahil sa biglang pag-angat ng kanyang timbang.

Pagbabahagi ng aktres, pagkatapos niyang manganak ay talaga namang napakalaki niya, kung saan ang mga damit na nga niya ay naging XL size, at umabot na nga ng 175 lbs o 80 kg ang kanyang timbang. At dahil nga sa malaking pagbabago nga na ito sa kanyang pangangatawan, ay nagdesisyon siya na simulant ang kanyang fitness journey, bilang pagpapahalaga sa kanyang sarili.

Makalipas nga lamang ang ilang buwan matapos simulant ni Mickey ang kanyang fitness journey ay masisilayan na ang unti-unting resulta ng kanyang pagpapayat. Ayon sa kanya ang kanyang goal aay hindi lamang ang pumayat kundi ang magkaroon ng healthy lifestyle, na kanya ngang nakamit dahil sa kanyang healthy lifestyle at ag-eehersisyo.

Ayon kay Mickey ilan sa mga workouts na kanyang ginawa upang lumiit at mawala ang bilbil niya sa tiyan ay ang core exercise tulad ng weighted crunches at leg raises. Dagdag pa niya, nagbawas din siyang kumain ng mga pagkain na alam niyang mataas ang carbohydrates.

Sa ngayon proud si Mickey na ibahagi sa lahat ang magandang resulta ng kanyang naging fitness journey, dahil mula nga sa kanyang XL size na pangangatawan mula ng siya’y manganak, ngayon ay nasa medium size na siya.