Connect with us

Entertainment

Alamin Ang Sikreto Ng Matatag NA Relasyon Nina Gabbi Garcia At Khalil Ramos

Published

on

Sina Gabby Garcia at Khalil Ramos, ay isa lamang sa mga celebrity couple na nagbibigay kilig sa marami nilang tagahanga at nagbibigay inspirasyon din sa mga tagasuporta nila. Ito ay dahil sa kabila nga na pareho silang nasa mundo ng entertainment industry na batid naman natin na magulo at puno ng kontrobersiya, ay talaga namang nagawa nilang dalawa na patatagin ang kanilang relasyon ngayon nga ay limang taon na silang magkasintahan.

Nang tanungin si Khalil kung ano ba ang sikreto sa pagkakaroon ng matatag na relasyon , ay ito ang naging sagot ng aktor.“Fall in love with your best friend.”
Taong 2017 ng maging magkarelasyon sina Khalil at Gabbi, ngunit bago pa man nga sila mapunta sa lebel ng magkasintahan, ay nauna muna silang naging matalik na magkaibigan, kaya naman kahit na ngayong magkasintahan na sila ay itinuturing nga nila na best friend ang isa’t isa.

“Best friends kami, e. Super tropa kami and everybody knows that. Sometimes, we just really hang out and not go on a romantic date. We just love doing things together”, ang naging saad naman ni Gabbi.
Samantala, muli ngang magkakaroon ng proyekto ang magkasintahan, at ito nga ay may titulong Love You Stranger, kung saan si Gabbi ay gaganap bilang LJ isang production designer, at si Khalil naman ay gaganap bilang si Ben na isa namang Direktor.

Pagbabahagi ng Kapuso actress, talagang pinaghandaan niya ang magiging karakter niya sa proyekto ito, dahil ang karakter nga rito ni LJ ay ibang-iba sa mga nagampanan niya ng karakter noon.
“Ito ang isa sa pinaka-unique na nagawa ko as an actor dito sa GMA. The script requires so much preparation as an actor, very new, very fresh sa mata ng mga pinoy.”

Ayon naman kay Khalil, ang kuwento ng Love You Stranger ay talaga namang nakaka-intriga, dahil maging sila nga na karakter na nito ay talagang na-curious kung ano nga ba ang magiging takbo ng kuwento ng dalawang karakter na bida na kanilang gagampanan.

“Kakaiba ‘tong materyal na ‘to, kakaiba ‘yung mga role.”
Nito nga lamang ika-6 ng Hunyo sa GMA Telebabad sa ganap na ika-9 y’ media ng gabi ay nagkaroon ng world premier ang Love You Stranger ang panibagong proyekto nga na pagbibidahan ng magkasintahang Khalil Ramos at Gabbi Garcia.
Sigurado naman na ang panibagong proyekto na ito ng magkasintahan ay aantabayan at susubaybayan ng marami nilang mga tagahanga at tagasuporta.