Connect with us

Entertainment

Alamin Kung Paano Nagsimula Ang Love Story Nina Sofia Andres At Daniel Miranda

Published

on

Ibinahagi na ng celebrity mom ng si Sofia Andres, kung paano nga ba nagsimula ang love story nila ng kanyang partner ngayon na si Daniel Miranda, na siya ring ama ng kanyang anak na si Zoe.

Ayon kay Sofia, ang naging pagtatagpo nila ni Daniel ay isang hindi inaasahang pagkakataon sa kanyang buhay, dahil ito’y dumating sa panahon na kung kailan hindi niya binigyang pansin ang magkaroon ng lovelife o karelasyon.

Sa naging pagbabago nga ni Sofia ng pagsisimula ng love story nila ng partner niyang si Daniel, ay sinabi ng aktres, na ito ay nakilala niya noong panahon na isa pa siyang ‘party girl’ at siya ay 17-taong gulang pa lamang.

Nakapanayam nga ni Erich Gonzales ang aktres, at dito na nga ikinuwento ni Sofia na ang pagdating ni Daniel sa kanyang buhay ay talagang hindi niya inaasahan, sapagkat ng mga panahon na nakita at nakilala niya ito ay wala siyang kaplano-plano na pumasok sa isang relasyon sa kahit na sino.

“Party girl kasi ako yung time na ‘yun. And then na-meet ko siya sa The Fort. Hindi ko talaga ine-expect kasi I wasn’t really looking for anything like love life or whatever”, ang pahayag nga ng 22-taong gulang na aktres.

Masaya namang itinuloy ng celebrity mom ng si Sofia Andres ang naging pagkakakilala nil ni Daniel sa isang bar. At base nga sa naging kwento ng aktres, pinsan ni Daniel ang unang lumapit sa kanya sa nasabing bar kung saan niya ito nakilala, at ito rin ang nagsabi sa kanya na gusto siya ng pinsan nitong si Daniel.

“So, na-meet ko siya. May kumalabit sa akin. Cousin niya pala. Sabi, ‘My cousin finds you pretty. Sabi ko, ‘Ah okay’. Eh medyo tipsy na ako. So nagpa-picture siya. Hindi niya alam artista ako. Syempre he doesn’t really watch mga shows here in the Philippines” ani Sofia.

Dagdag pa ng Pusong Ligaw star, matiyaga siyang hinintay ni Daniel sa bar hanggang alas 3 ng madaling araw, at imbis na alcoholic drink ang i-alok nito sa kanya, dahil nga nasa bar sila, ay binigyan siya nito ng maiinom na tubig, na marahil ay upang mabawasbawasan ang pagka-tipsy niya.

“Tapos hinintay niya talaga ako hanggang 3 AM umuwi. Tapos in-ooffer niya ako ng water in the bar. Hindi alcohol. Tapos the next day, not for anything, kinukuha nila ang number ko. What I did, fini-fake ko talaga. Sa kanya ko lang binigay ang number ko. That’s how it started”, dagdag na saad pa ni Sofia sa naging panayam sa kanya.

Inamin rin ni Sofia na unang kita pa lamang din niya kay Daniel ay napahanga na siya sa taglay na ka-kyutan nito. Dagdag pa niya, si Daniel din ang tumulong sa kanya, upang unti-unting mawala ang pagiging isa niyang party girl.

Taong 2018 ng isinapubliko ni Sofia Andres ang pagmamahalan nila ng Cebuana race car driver na si Daniel Miranda. At noon namang buwan ng Hunyo taong 2020 sa pagdiriwang ng Father’s day, ay masayang ipina-alam ni Sofia Andres sa lahat na sila ni Daniel ay mayroon ng anak, matapos niya itong batiin ng Happy Father’s Day.