Connect with us

Entertainment

Alex Gonzaga Masayang Ibinahagi Ang Naging Honeymoon Nila Ng Asawang Si Mikee Sa Isang Napakagandang Resort

Published

on

Ikinagulat man ng marami ang biglang pag-anunsyo ni Alex Gonzaga na siya at ang kanyang boyfriend na si Mikee ay ikinasal na, ay marami pa rin ang nasiyahan para sa panibagong yugto ng buhay ng aktres bilang isa ng Misis.

At siyempre sa kabila ng isang simpleng intimate wedding, ay hindi naman maaring walang honeymoon na magaganap, kaya naman matapos ang naging kasal ng dalawa , ay agad silang nagtungo sa isang napakagandang lugar kung saan sila magha-honeymoon.

Sa latest vlog ni Alex ay kanyang ibinahagi na matapos ang kasal nil ani Mikee, ay nagtungo sila sa Amanpulo, Palawan upang doon maghoneymoon. Kasama rin ni Alex sa bakasyon nilang ito ang kanyang pamilya.

Ayon nga kay Alex, ay kasama nila ni Mikee sa Amanpulo, ang kanyang Daddy Bonoy at Mommy Pinty, ganun din ang pamilya ng Ate niyang si Toni, asawa nitong si Direk Paul at anak ng mga ito na si Seve.
Dahil sa likas na gandang taglay ng Amanpulo, ay talalaga namang napakaganda ng resort nito, at sino man nga ang bumisita dito ay mare-relaks sa ganda ng ambiance ng nasabing lugar.

Sa video na ibinahagi ni Alex, ay makikita kung gaano ka-excited ang kanyang pamangkin na si Seven a mag-swimming, kaya naman ang mommy at daddy nito na sina Toni at Direk Paul ay nag-enjoy na rin at kitang kita nga ang isang masayang family bonding.

Ang mga mga magulang naman nina Alex at Toni, na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy, ay makikitang relaks na relaks habang sila’y nakaupo at pinagmamasdan ang mga magagarang kagamitan sa villa.

Nag-bonding naman ang bagong kasal na Alex at Mikee, sa pamamagitan ng pagsakay nila sa e-bike, kung saan ay makikita nga na tawa ng tawa si Alex, dahil sa kinakabahan siya nab aka makabunggo siya habang siya ang nagmamaneho.

Marami naman sa mga netizens na nakapanood ng video na ito, ang talaga namang nag-enjoy, dahil sa napakasaya ngang tingnan ng pamilya. Narito nga ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens;“Mommy Pinty and Daddy Bonoy knows when to let go of their children. If only mommy Divine is like them, Sarah would have been as free as happy as Toni and Alex.”

“Yan ang maganda honeymoon with family, Mikee doesn’t care. Si Seve for sure family-oriented kaya yung nagsasabi na makulit, tumigil ka diyan.”

“This is a living proof how blessed a person can be by putting God as the center of their Family.”
“Aww Alex has always been grateful to her followers. It’ so nice of her to actually thank the netizens.”

“So blessed of how the Lord has united you as a family! Keep inspiring a lot people and continue to put God in the center of your relationship! [heart emoji]” Tunay ngang nakakabilib ang samahan at pagmamahalan ng pamilya Gonzaga.