Connect with us

Entertainment

Alex Gonzaga May Matamis Na Mensaheng Pagbati Para Sa Ika-5 Taong Kaarawan Ng Pamangking Si Seve

Published

on

Para sa Gonzaga Family, lalo na sa mag-asawang Toni Gonzaga at Paul Soriano, ang petsang ika-30 ng Setyembre ang “best day of the year.” Ito ay dahil sa petsang ito dumating sa buhay nila si Seve, ang ‘bundle of joy’ ng kanilang pamilya.

Dahil si Seve nga ang kauna-unahang anak ng mag-asawang Paul, at nag-iisang pamangkin ni Alex Gonzaga at siyempre unang apo rin ni Mommy Pinty at Daddy Bonoy ay umaapaw na pagmamahal at atensyon naman talaga ang natatanggap ni Seve.

Samantala, tunay namang napakabilis ng paglipas ng panahon, dahil parang kailan lamang ng isilang at isa pa lamang sanggol si Seve, ngunit ngayon nga ay limang-taong gulang na ito, matapos niyang magdiwang ng kaarawan noon lamang ika-30 ng Setyembre.

Tuwing kaarawan nga ni Seve ay laging sinisigurado ng kanyang pamilya, lalo na ng kanyang mga magulang na ito ay magiging espesyal na pagdiriwang. Kaya naman ngayon, sa kabila ng nakakaranas tayo ng krisis ay hindi naging hadlang ito para hind imaging espesyal ang kaarawan ni Seve.
Noon ngang ika-30 ng Setyembre, araw ng kaaarawan ni Seve, ay isang racetrack field theme ang inihandang sorpresa sa kanya ng mga magulang niya. Ang okasyon, ay dinaluhan ng ilang mga bisita at kani-kanilang pamilya.

Isa nga sa mga hindi nawalang bisita ay ang tita ni Seve na si Alex Gonzaga, na nagbahagi ng ‘sweet birthday message’ niya para sa kanyang pamangkin, kalakip pa nito ay ang larawan nilang mag-tita kung saan ay makikita ang ‘enjoyment’ nila sa naturag racetrack.

“My Chambeh”, Happy Birthday Seve. Thank you for being the family source of joy. We love you so much! Tata will always be here for you If you want a cooler mom”, ang naging mensahe ng ani Alex para sa pamangkin na nagdiriwang ng kaarawan.

Makikita naman sa comment section ng post na ito ni Alex ang pagbuhos ng maraming mga pagbati para sa kaarawan ng kanyang pamangkin na si Seve, mula sa kanyang mga kaibigan at katrabaho. Ilan nga sa mga kaibigan ni Alex na nagpahatid din ng birthday greetings para kay Seve ay sina Billy Crawford, Fifth Solomon at Melai Cantiveros.