Connect with us

Showbiz

Anak Na Babae Ni Buboy Villar Manang Mana Sa Kanyang American Mom

Published

on

Si Buboy Villar ay isa lamang sa mga teen actor na sa murang edad ay naranasan na ang magkaroon ng panghabangbuhay na responsibilidad sa kanyang buhay, at ito nga ay ang maging isang batang-ama. Nagkaroon ng anak si Buboy sa kanyang dating karelasyon na si Angillyn Serrano Gorens, isang Amerikana.

Taong 2015 ng magkakilala sina Buboy at Angillyn, at ito ay dahil sa kanilang malalapit na kaibigan. Dito na nga nagsimula ang magandang pagtitinginan sa dalawa, hanggang sa nauwi na nga ito sa pagmamahalan.

Hindi nga nagtagal ay isinapubliko ng dalawa ang kanilang masayang relasyon, at mas naging makulay pa ang pagmamahalan nila ng dumating sa kanilang buhay ang panganay na anak nilang si Vlanz Karollyn, isang babaeng sanggol na isinilang noong ika-30 ng Agosto taong 2017. Sa naging pagdating ng kanyang anak, ay mas lalo pa ngang umigting ang hangarin ni Buboy na mas lalo pang magtrabaho ng maayos, ito ay upang mabigyan niya ng magandang kinnabukasan ang anak.

Makikita naman na habang lumalaki si Vlanz Karollyn, ay mas lalong lumalabas ang mas malaking pagkakahawig niya sa kanyang American mom, kaya naman talagang napakaganda niyang bata. Hindi rin naman maitatanggi na may mga nakuha rin siyang looks sa kanyang amang si Buboy.
Samantala, kagaya ng kanyang amang si Buboy, ay napaka-talented na bata ni Vlanz Karollyn. At makikita nga sa social media account ng aktor ang madalas niyang pagbabahagi ng mga kabibohan na ipinamamalas ng kanyang anak na si Vanz Karollyn.

Makalipas ang ilang taon ay muling nagkaroon ng anak sina Buboy at Angillyn, at ito nga ay ang kapatid ni Vlanz Karollyn na si George, na ipinanganak noong taong 2019 sa Amerika ni Angillyn.
Sa kabila naman ng pagkakaroon ng dalawang anak, ay nauwi sa hiwalayan ang relasyon ni Buboy at Angillyn, at ito nga ay labis na ikinalungkot ng kanilang mga tagahanga. Kahit naman hiwalay na ay nanatili ang maayos na pagkakaibigan ng dalawa para rin sa kanilang mga anak.

Nasa bansang Amerika ngayon si Angellyn, at ang dalawa naman nilang anak ni Buboy ay nasa pangangalaga ng kanyang mga magulang. Sinisigurado naman ni Buboy na sa kabila ng kanyang pagiging abala sa karera niya bilang isang artista, ay mayroon pa rin siyang oras para bisitahin ang kanyang mga anak at makapagbonding sa mga ito.