Connect with us

Inspiring

Anak Ng Empanada Vendor At Welderer Nagbigay Karangalan Sa Kanyang Mga Magulang Ng Makapasa At Maging Top 10 Sa Nursing Board Exam

Published

on

Para sa mga magulang ay isang labis na kaligayahan ang makita na maging matagumpay ang buhay ng kanilang mga anak, lalo na nga ang makita ang mga ito na unti-unting natutupad ang pangarap kabilang na ang pagkakaroon ng magandang edukasyon.

Kagaya na nga lamang ng mag-asawa na empanada vendor at welderer, kung saan kamakailan nga lamang ay talagang proud na proud sila sa kanilang anak na dalaga, dahil sa kabila ng payak na pamumuhay ng kanilang pamilya ay matagumpay nitong nasungkit ang pangarap na makapasa sa board exam at maging top 10 pa.

Ang anak nga na dalaga na ito ng mag-asawa ay kinilalang si Shannara Mica Guta, na pinatunayan nga sa pamamagitan ng kanyang natamong tagumpay at karangalan na kailanman ay hindi maaring maging basehan ang estado ng buhay ng isang tao para siya’y maging matagumpay sa buhay.

Labis na kasiyahan at karangalan ang ibinigay ni Shannara sa kanyang mga magulang at buong pamilya, matapos nga niyang makapasa sa Nursing Licensure Examination, at maliban pa sa kanyang pagkakapasa na ito ay isa rin siya sa mga nakakuha ng mataas na marka kaya naman pasok siya sa mga top 10 list.

Ayon sa mga naging ulat, bata pa lamang ay isa ng mahusay na mag-aaral si Shannara, dahil nga ng siya ay elementarya hanggang sekondarya ay lagi siyang nakakakuha ng parangal sa eskwela bilang isang honor student.

Sa kabila nga ng lumaki siya sa pamilya na payak ang pamumuhay dahil ang kanyang ina ay isang empanada vendor at ang ama naman niya ay isang welderer na walang tiyak na kita sa loob ng isang buwan ay ginawa namang inspirasyon ng dalaga ang mga ito upang mas lalo pang pagbutihin ang kanyang pag-aaral.

Isa ngang modelo na dapat tularan si Shannara, para sa kanyang mga nakababatang kapatid at iba pang mga kabataan dahil sa kanyang ipinamalas na pagpupursige sa kanyang pag-aaral kahit pa payak ang kanilang pamumuhay.

Nakapagtapos si Shannara sa Mariano State University sa Batac, Ilocos Norte sa kursong B.S Nursing, at ang kanyang ang naging matagumpay na pagtatapos ay nagpapasalamat niya sa kanyang mga magulang na walang sawang suporta sa kanya.

Noong siya nga ay makapasa sa Nursing Licensure Examination ay siya ang naging 10th placer sag a libo libong nakapasa sa nasabing board exam, at ang kanyang ang nakuhang marka o rating ay 84.60%.
Hindi naman matawaran ang labis na kasiyahan ng mga magulang ni Shannara ng lumabas nga ang magandang balita na ito.

Si Shannara ay panganay sa magkakapatid, kaya naman talagang naging pursigido siya na pagbutihin at matapos ang kanyang pag-aaral, upang sa ganun kapag siya nga ay magkaroon ng magandang buhay ay masuklian niya ang naging pagsasakripisyo ng kanyang mga magulang na suportahan siya sa kanyang eskwela.

Matapos ngang makapasa at maging top 10 sa Nursing board exam ay plano naman ni Shannara ang pumasa sa National Council Licensure Examination o NCLEX at kumuha na din ng master’s degree.