Connect with us

Showbiz

Anak Ni Sunshine Cruz Hinangaan Ngayon Ng Mga Netizens Dahil Sa Kanyang Natural Na Ganda

Published

on

Marami sa ating mga hinahangaang aktres noon sa mundo ng showbiz ang ngayon ay mayroon na ngang mga anak, tulad na lamang ng napakagandang aktres na si Sunshine Cruz na isa na ngang ina sa kanyang tatlong dalaga ng mga anak, na ang ama ay ang dati niyang mister na si Cesar Montano, na isa ring kilalang aktor.

Tulad ni Sunshine ay tunay na namana rin nga ng kanyang mga anak ang nakabibighani niyang kagandahan. Halimbawa na lamang nito ay ang anak niyang si Angelina Cruz na ngayon ay isa nga sa mga talaga namang hinahangaan ng mga netizens dahil sa taglay nitong effortless na ganda.

Kamakailan lamang ay nagbahagi ang anak ni Sunshine na si Angelina Cruz ng kanyang larawan kung saan ay talaga namang pak na pak ang kanyang pag-awra kaya naman kaagad itong naging agaw-pansin sa mga netizens. Sino ba naman kasi ang hindi mapapangha, dahil kahit effortless ang ang pag-pose ni Angelina ay tunay namang litaw na litaw ang kanyang angking ganda.

Tunay ngang namana ni Angelina ang kanyang angking ganda sa kanyang inang si Sushine Cruz dahil sa kabila nga ng pagiging isang ina ni Sunshine sa kanyang tatlong anak at kahit lumipas na ang panahon ng kanyang kabataan ay makikita naman ngayon na tila walang kakupas-kupas ang kanyang ganda dahil tila nga hindi nagbago ang kanyang hitsura.

Maraming mga netizens naman ang hindi maawat na hangaan ang napakagandang larawan ni Angelina, at ang ilan nga sa kanila ay hindi magkandamayaw sa pagbibigay ng komento ng papuri para sa magandang dalaga. Karamihan nga sa mga komento ay hindi nawalan ng mga papuring salita, tulad na lamang ng “GANDA MO, ANGGE”, Ah, so pretty” at “gorgeous.”

Si Angelina Cruz ay tumuntong na sa edad na 20-taong gulang noong nakaraang taon, at sa kanyang taglay na hitsura ay masasabi nga na malaki ang talaga namang pagkakahawig niya sa kanyang inang si Sunshine. Siya ay ang eldest daughter ni Sunshine sa dating mister na si Cesar Montano. Ang mga nakababata niyang kapatid ay sina Samantha at Angel.

Sa kasalukuyan ay kilala si Angelina bilang isang famous Instagram star, kung saan ay mayroon na nga siyang mahigit 1-milyong subscribers sa kanyang Instagram account. Maliban pa dito, ay isa rin siyang modelo. Sa katunayan, ay ang naging mukha ng Careline Cosmetics noong taong 2016.