Connect with us

Entertainment

Andrea Brillantes Muling Nagmala-Margaret Mondragon Sa Kanyang Nakakatuwang Latest Vlog

Published

on

Isa sa mga kabis na minahal na mga manonood na Kapamilya series noon kada hapon ay ang ‘Kadenang Ginto’, na talaga namang bawat eksena ay kaabang-abang dahil sa ito’y pinapainit ng mga sagutan, bangayan at awayan ng bawat bida at kontrabidang karakter.

Matatandaan na kabilang sa mga bumida sa seryeng ito, ay ang Kapamilya teen actress na si Andrea Brillantes na ginampanan nga ang karakter bilang ang palaban, prangka at sosyal na si Marga Mondragon na siya ngang kumakawawa sa bidang karakter na si Cassie, na ginampanan naman ni Francine Diaz.

Dahil sa naging mahusay na pag-ganap ni Andrea bilang si Marga, ay talaga namang epektibo sa mga manonood ang bawat ginagawa niyang eksena, kung saan ay marami ang mga naiinis sa kanyang naging karakter sa nasabing serye.

Marahil ay na-miss nga din ni Andrea o mas kilala sa tunay niyang pangalan bilang Blythe ang kanyang karakter noon bilang si Marga, kaya naman sa kanyang latest vlog ay muli niyang ipinakita sa publiko ang kanyang mala-Margaret Mondragon na awra.

Mula sa kanyang suot na uniform, hairstyle at make up ay talaga namang tila nagbalik nga sa mga mata ng mga tagasubaybay ni Blythe ang kanyang pagiging si Marga.

Samantala, puno naman ng nakakatuwang eksena ang latest vlog na ito ni Blythe kung saan nga siya ay nag-ala Margaret Mondragon, dahil una nga niyang ginawa ay ang tila eksena na papasok si Marga sa paaralan ngunit hindi nito alam na quarantine kaya naman wala siyang nagawa kundi manatili sa bahay.

At dahil nga sa nais niyang may magawa ay naisipan na lamang ni Marga maglinis ng bahay, maglaba at maglampaso. Hindi pa nga siya nakontento, tinawagan rin niya ang kanyang mga kaibigan sa nasabing serye at totoong buhay na sina Maureen at Nica para mag-rant.

Matapos pa nito, ay tinawagan rin niya ang kanyang Mommy Daniela sa serye, na ang gumanap nga ay si Dimples Romana at ang naging payo nga nito ay hindi dapat sumuko kundi dapat ay mas pairalin ang pagiging matapang at huwag magpapadaig kaninoman.

Maging ang karakter ni Francine Diaz, na si Cassie o Cassandra Mondragon ay tinawagan rin ni Marga at kunwari nga ito ay inaway-away din niya.

Makikita naman sa huling bahagi ng vlog na ito ni Andrea, na ang naka-away niya bilang si Marga ay ang kanyang ate na talaga namang palaban din kung kaya nagsabunutan pa kunwari ang mga ito. Kinaaliwan naman ng mga netizens ang latest vlog na ito ni Andrea dahil talagang na-miss din nila ang naging role nito noon bilang si Marga.