Showbiz
Andrea Torres Ibinahagi Ang Kanyang Japan Experience At Ang Pagsusuot Ng Pink Flowers Japanese Kimono

Kapuso actress na si Andrea Torres, ibinahagi ang mga nagagandahan niyang larawan suot ang Pink Flowers Japanese Kimono, matapos niyang bumisita sa bansang Japan. Pangarap ng marami sa atin ang makarating sa ibang bansa, ang iba ay nais na makapagtrabaho sa ibang bansa, at mayroon naman na ang nais lamang ay ang marating ito at pasyalan ang mga ipinagmamalaki nitong tourist spot. Marami din sa ating mga kababayan ang OFW sa bansang Japan, at ang iba nga sa mga ito ay mayroon ng magandang buhay sa nasabing bansa.
Isa nga sa mga bansang pangarap ng marami sa atin na marating ay ang bansang Japan, at bawat turista nga na bumibisita sa nasabing bansa ay talaga namang ‘dream’ o pangarap ang makapag suot ng Kimono. Ang Kapuso actress na si Andrea Torres, ay isa nga sa mga hindi pinalampas ang pagkakataon na nakasuot ng kimono ng siya ay bumisita sa bansang Japan.
Nito nga lamang nakaraang Linggo, ay ibinahagi ng napakagandang aktres na si Andrea Torres sa kanyang Instagram account ang kanyang magandang larawan, kung saan ay masisilayan na siya kaaya ayang nakasuot ng isang Japanese kimono na may disenyong pink flowers.
Para makumpleto pa nga ng Kapuso actress ang kanyang Japanese look, ay nagdala din siya ng traditional Japanese umbrella habang siya ay nasa streets ng Asakusa Temple sa Tokyo.
Caption ni Andres sa larawan niyang ito, ay isa na naman nga sa mga checklist niya ang kanyang nabigyan ng katuparan, at nagpapasalamat din siya dahil sa nabigyang siya ng pagkakataon sa isang full Japan experience.
“Another check on my list! Thank you for the full Japan experience saad ni Andrea sa caption ng kanyang post. Sa mga larawan ng ibinahagi ni Andrea, ay masisilayan naman talaga ang kanyang angking kagandahan, at tila nga siya ay naging isa talagang Haponesa dahil sa bumagay sa kanya ang kasuotan niyang kimono na mayroong magandang disenyo.
Matatandaan na si Andrea ay lumipad patungong Japan noong unang linggo ng buwan ng Hunyo, ito ay dahil sa dumalo ang Kapuso actress ng Phil Expo 2022, isa sa mga Independence Day event ng GMA Pinoy TV at Ueno Onshi Park sa Tokyo. Si Andrea Torres ay isa sa mga sikat na Kapuso actress ngayon ng GMA-7 network, at isa din sa mga maituturing na aktres sa industriya ng showbiz na mayroong taglay na kahanga-hangang kagandahan at kaseksihan.
