Connect with us

Entertainment

Angdrea Brillantes Nakatanggap Ng Boggang Surprise Birthday Party Mula Sa Kanyang Mga Malalapit Na Kaibigan

Published

on

Hindi maikakaila na isa sa mga pinakasikat at minamahal ng marami na aktres ngayon sa mundo ng showbiz, ay si Andrea Brillantes o sa tunay ngang buhay ay si Anndrew Blythe Daguio Gorostiza. Patunay lamang nito, ay ang nag-uumapaw na pagbati, surpresa at regalo na natanggap niya mula sa mga taong nagmamahal sa kanya noong lamang nakaraang buwan ng Marso ng siya ay magdiwang ng kanyang ika-18 taong kaarawan.

Dahil sa kahanga-hangang kagandahan at talento ni Andrea ay talaga namang marami ang nagmamahal sa kanya, hindi lang ang kanyang pamilya, mga tagahanga, kundi maging ang mga malalapit niyang kaibigan at naging katrabaho sa industriya ng showbiz. Maliban kasi sa ganda at talento ng dalaga, ay kinabibiliban din sa kanya ang pagiging mabuti niya at masayahin.

Sa nagdaan ngang kaarawan ni Andrea ay maraming mga pasabog at kaganapan ang nangyari, kagaya na nga lamang ng kanyang naging kaliwa’t kanang mga photo shoot kung saan ay talaga namanng pinalitaw ang kanyang angking kagandahan. Matapos nito, ay naganap naman ang engrandeng selebrasyon ng kanyang ika-18 taong kaarawan na dinaluhan nga ng kanyang kapamilya at malalapit na kaibigan.

Matatandaan rin na matapos ang naging engrande niyang birthday party, ay muling naging viral si Andrea sa social media, ito nga ay ng sorpresahin siya ng kanyang kaibigan na si Miss Glenda, at ipag-shopping siya nito na umabot nga sa halos daang libo ang halaga.

Samantala, kahit ilang buwan na nga ang lumipas matapos magdiwang ni Andrea ng kanyang ika-18 taong kaarawan, ay tila hindi pa nga nagtatapos ang mga sorpresa para sa kanya. Ito ay dahil kamakailan lamang ay muli nga siyang umagaw ng pansin sa publiko, ng ibahagi sa social media ang isang bonggang surprise birthday party para sa kanya na inihanda ng kanyang malalapit na kaibigan.

Makikita nga sa mga lumabas na larawan sa social media ang isang engrandeng birthday surprise na hindi inaasahan ni Andrea na magaganap, lalo pa’t ilang buwan na ang nakalipas ng siya ay magdiwang ng kanyang kaarawan.

Ayon sa ulat, ang bonggang sorpresa na ito para kay Andrea ay inihanda ng kanyang mga kaibigan, at ito nga ay naganap sa Rancho Bernardp Luxury Villas and Resort sa Bataan. Talaga namang makikita na ang pinaghandaan ng mga kaibigan ni Andrea ang birthday surprise na ito para sa kanya.
Sa mga larawan nga ay makikita na naroroon ang kapatid ni Ivana Alawi na si Mona, na isa nga sa mga malalapit na kaibigan ni Andrea.

Labis-labis naman ang naging pasasalamat ni Andrea sa kanyang mga kaibigan, dahil sa talaga namang hindi niya inasahan na muli ay isang bonggang sorpresa ang kanyang natanggap.

Maliban nga sa napakagandang dekorasyon ng naging birthday surprise para kay Andrea, ay makikita din na napakaganda din niya ng araw na ‘yon lalo pa’t siya’y nakasuot ng kulay pulang bistida na nagpalitaw pa lalo ng kanyang kagandahan.