Entertainment
Angeline Quinto Inorder Lahat Ng Nasa Menu Ng Isang Restaurant Kasama Ang Kanyang Non-Showbiz Partner

Likas na sa mga Pinoy ang pagkahilig sa pagkain, kaya naman talagang marami sa atin ang kinahihiligan ang magluto ng masarap na pagkain o di kaya naman ay ang bumisita sa iba’t ibang mga lugar o kainan na may mga pagkaing babalik balikan dahil sa sarap.
Samantala, pagdating sa usaping lugar na may masarap na pagkain, nito nga lamang nakaraan ay nagtungo ang Kapamilya singer na si Angeline Quinto sa isang kilalang fast food chain sa ating bansa na ngayon ay pinag-uusapan sa social media, matapos nga nitong mag-viral sa Twitter dahil sa isang netizens na nag-post ng kanyang larawan na kuha sa kinakainan niyang fast food chain na ‘Tropical Hut’ kung saan ayon sa ibinahagi niya ay tanging siya lamang ang customer nito.
Dahil sa naturang viral post na ito, ay marami nga sa mga netizens ang nagbalik tanaw sa mga masasaya at hindi nila malilimutang karanasan sa pagkain nila sa naturang fast food chain, na siya ngang naging daan upang magbalik sigla ang naturang restaurant dahil mula itong dinagsa ng mga customers.
Nang makita nga ng singer na si Angeline o Angge ang viral post na ito, ay hindi na siya nagdalawang isip pa, at agad bumisita sa nasabing restaurant, lalo pa’t ang fast food chain nga na ito ay isa sa mga paborito ng kanyang Mama Bob, ito nga ay ang Tropical Hut na matatagpuan sa Panay Avenue cornet scout Borromeo malapit sa may ABS-CBN.
“Kaya kami nandito kasi parang nung mga 2 or 3 days ago, may nakita akong post sa Twitter na may picture na nasa isang branch siya ng Tropical Hut, sa may Estola ‘to eh. Tapos nalungkot ako kasi ‘yung post niya, mag-isa lang siyang kumakain dun sa Tropical Hut”, ang naging saad ni Angeline.
Sa isang vlog ay ibinahagi nga ni Angeline ang naging pagbisita niya sa Tropical Hut, kung saan ay kasama nga niya ang kanyang non-showbiz partner na si Nonrev Daquina at ilan niyang mga kaibigan.
Pagpasok pa lamang ng nasabing restaurant ay agad na dumiretso si Angge sa counter nito, at masayang binati ang staff na nasa kanyan harapan para mag-assist sa o-orederin niya.
Sinabi din ni Angge sa naturang staff na ang o-orderin niya ay ang lahat ng food na nasa menu ng naturang restaurant dahil ito nga ang kanilang challenge ‘Buy All Menu Challenge’. Ikinagulat Ito ng staff/cashier, ay bakas naman ang tuwa nito ng marinig ang order ng singer.
“Hi, ate Maricel oorderin namin lahat nung nasa menu niyo. Oorderin namin lahat”, ani Angge.
Ikinatuwa nga ng mga staff ang ginawang ito ni Angge, at saad pa nga ng mga ito sa kay Angge, “Ma’am, natanggal ang pagod namin ma’am.”
Nang nasa harapan na nga nina Angge ang lahat ng pagkain na kanilang in-order ay hindi maiiwasan ng singer na magbalik tanaw, at inilahad nga na ang burger umano sa naturang restaurant ay ang paborito ng kanyang Mama Bob. Saad pa ni Angge, tuwin uuwi nga siya noon galing sa trabaho, ay madalas na nagre-request nito ang kanyang ina.
“Ang Tropical Burger, alam ko ‘yun yung pinakamasarap dito eh. Kay Mama Bob ko ‘yan natutunan. Actually, ang Mama Bob mga ka-Twinkle favorite niya ang Tropical Hut noon pa”, saad pa ni Angeline.
Dagdag pa niya, “So sabi ko, since ako personally talagang nasasarapan ako sa burger ng Tropical Hut kasi nga dahil kay Mama Bob. Favorite ng Mama ko ang Tropical Hut. Everytime na uuwi ako dito, ‘pag alam niyang babalik ako agad ng bahay , wala ‘yang ibang hinihingi sa akin kundi hamburger.”
Maliban pa sa pag-alaala kay Mama Bob, ay ibinahagi rin ni Angeline na ang lugar din na kanilang kinakain ay may ala-ala rin sa kanya, sapagkat noong siya’y nagsisimula pa lamang nga sa journey niya sa Star Power ng ABS-CBN kung saan siya nanalo ay sa labas nga ng naturang kainan siya madalas na nagpapababa sa sinasakyan niyang tricycle dahil tila ito ang naging landmark niya para matunton ang ABS-CBN na noon ay hindi niya alam noon kung saan.
