Showbiz
Angeline Quinto Isinapubliko Na Ang Itsura Ng Ama Ng Kanyang Anak

Marami ang nasorpresa ng kumpirmahin ang singer-actress na si Angeline Quinto sa publiko na siya ay nagdadalang-tao. Kaagad ngang naging palaisipan sa publiko, kung sino ang ama ng ipinagbubuntis ni Angeline, gayunpaman sa isang ekslusibong panayam sa kanya ni Tito Boy Abunda ay ibinahagi niya na isang non-showbiz personality ang ama ng sanggol na nasa kanyang sinapupunan.
Matatandaan nga na inamin din ni Angeline kaay Tito Boy na ang ama ng kanyang pinagbubuntis ay mayroon ng dalawang anak sa ibang babae, ngunit iginiit niya na ito ay hindi kasal sa kahit sino sa mga dati nitong nakarelasyon. Inilarawan din ni Angge ang karelasyon niya ngayon na gwapo, baby face, at ito ay mas bata sa kanya ng tatlong taon.
“Nakilala ko po siya dahil kaibigan siya ng boyfriend ng kaibigan ko sa Sampaloc, Manila,” lahad ni Angeline. “Nung nagkita kami isang beses, hanggang sa nagkaroon na kami ng communication, nagtuluy-tuloy. “So ngayon, bale mag-iisang taon mahigit na rin po kami”, paglalahad ni Angge noon kay Tito Boy.
Samantala, nito lamang nakaraan ay isinapubliko na ni Angeline ang hitsura ng ama ng kanyang pinagbubuntis, ito ay sa pamamagitan ng isang vlog, kung saan ay nagbahagi siya ng ilang mga larawan nila ng partner niya, ito rin ay ang mga larawan ng kanyang naging maternity photo shoot.
Bago naman ipakita ni Angeline sa kanyang ginawang vlog ang mga larawan kung saan masisilayan ang hitsura ng ama ng kanyang pinagbubuntis, ay masaya muna ngang naglaro ang singer-actress at ang kanyang glam team ng larong ‘Who knows Angeline Better’, at dito nga ay ilang mga katanungan ang binigyan ng kasagutan ni Angge.
Matapos namang sagutin ng soon-to-be-mommy ang ilang mga katanungan sa naging laro nila ng kanyang glam team, ay ipinakita na nga ang ilang mga larawan niya kung saan ay kasama niya ang kanyang partner ngayon. Masisilayan nga ang histura ng ama ng anak ni Angge, na pinuri ng marami dahil sa taglay na kagwapuhan nito.
Narito naman ang ilan sa mga komento ng mga netizens matapos nilang masilayan ang hitsura ng ama ng ipinagbubuntis ng singer-actress. “Happy for you Miss Angeline [red heart emoji] and finally may pic na kayong dalawa.. Good luck and God bless” “Pogi ng tatay ng baby mo Idol Angeline…. Bagay na bagay kayo happy both of you… wish ko forever ng relationship niyo at kasalan ang ending someday..
stay sweet to each other para sa baby sa tiyan eh happy din lalo pag labas.. [red heart emoji”
Ayon sa ilang mga ulat, ngayong buwan ng Abril nakatakdang isilang ni Angeline Quinto ang kanyang ipinagbubuntis, at inaasahan na nga ng singer-actress na isang ‘bouncing baby boy’ ang magiging anak niya.
