Connect with us

Inspiring

Anim Na Magkakaptid Na Babaeng Pulis Umani Ng Paghanga Mula Sa Mga Netizens Dahil Sa Kanilang Tagumpay

Published

on

Napakalaking hamon para sa mga magulang ang alagaan at palakihin ng maayos ang kanilang mga anak. Ang pagbibigay ng kanilang pangangailangan hanggang sila ay lumaki at kaya ng buhayin ang sarili ay isa sa mga hamon sa mga magulang. Ngunit, sa kabila nito ay huwag sanang kalimutan ng mga magulang na ang kanilang mga anak ay isa sa mga napakalaking biyaya ng Maykapal.

Isa sa mga nakakahangang pamilya ay ang pamilya ng mag-asawang Crispin at Clemencia Guelos mula sa Iloilo City. Si Mr. at Mrs. Guelos ay biniyayaan ng hindi lang isa kundi anim na nag-gagandahang anak na babae. Sa kanilang pagsusumikap na mag-asawa, naipagtapos nila ang kanilang mga anak at ang nakakahanga pa roon, lahat sila ay policewoman na ngayon.

Ngunit, hindi biro ang kanilang mga pinagdaanan upang maitaguyod ang kanilang mga anak sa kanilang pag-aaral. Bago nila nakamit lahat ng ito, may mga napagdaanan ang mag-asawang Guelos. Nagkaroon umano ng leukemia si Crispin habang ang kaniyang kabiyak naman ay magtatrabaho sa bukid. Sa tulong ng Diyos ang lahat ng ito ay kanilang nakayanan at nakaahon sila sa hirap ng buhay.

Ang anim na mga anak na babae nina Mr at Mrs Guelos ay sina: PEMS Maria Cherry G. Demarana, PEMS Ma. Irene G. Habuyo, PSMS Sharon G. Dalit, PSSG Nerissa G. Federizo, Patrol Woman Era Dawn G. Buot and PCpl Merry Cris G. Asturias.

Maliban sa kanilang anim na anak na babae, ipinagmamalaki din nila ang kanilang tatlong anak na lalaki na kung saan ay lahat ay may sariling propesyon na din. Ang ikinabubuhay nilang mag-asawa ay ang pagtitinda at pagsasaka lamang ngunit sa kanilang dedikasyon at pagsusumikap ang lahat ng kanilang mga anak ay nakapagtapos ng pag-aaral at may mga magagandang trabaho na.

Sa isang Facebook Page ng isang Photographer na si Anthony Simogaan, ibinahagi niyang ang photoshoot ng mag-anak bilang isang pagpupugay sa kanilang magulang. Ang post ay may caption na, “Despite living in poverty, their parents worked hard as laborers (as construction workers, farmers, vendors, etc.) to send their children to school.

But what’s incredibly amazing is all of their daughters graduated with different bachelor’s degrees but possessed brave hearts and strong minds to become successful police officers.” (“Sa kabila ng kahirapan, ang kanilang mga magulang ay nagsumikap bilang mga manggagawa (bilang mga construction worker, magsasaka, vendor, atbp.) upang maipag-aral ang kanilang mga anak. Ngunit ang kamangha-mangha dito ay nagtapos sila sa kani-kanilang mga kurso ngunit nagtataglay sila isip at lakas ng puso upang maging matagumpay na mga pulis.”)

Nag-iwan din ng wika ang kanilang anak na, “To succeed: work hard, never give up and above all cherish a magnificent obsession in learning the value of hard work by working hard.. Tatay, Nanay, THANK YOU!” (Upang magtagumpay: magsikap, huwag sumuko at higit sa lahat pahalagahan ang kahalagahan ng pagsusumikap sa pamamagitan din ng pagsusumikap.. Tatay, Nanay, SALAMAT!”)