Connect with us

Showbiz

Arci Munoz Pinasaya Ang Kanyang Tagahanga Na Isang PWD Sa Siargao

Published

on

Si Arci Munoz ay isa sa mga kilalang female celebrity na talaga namang kinahihiligan ang magtungo sa mga ‘beaches’ upang magtampisaw o magbilad sa araw. Kaya naman madalas ngang makikita sa Instagram niya ang iba’t ibang mga beach destination sa ating bansa na kanyang laging binibisita o pinupuntahan.

Samantala, kamakailan nga lamang ay nagbahagi na naman si Arci ng pinakabagong bakasyon niya, kung saan siya nga ay nagtungo sa probinsya ng Siargao, Surigao Del Norte na kilala bilang surfer capital ng Pilipinas.

Makikita naman sa mga larawan na ibinahagi ni Arci sa kanyang Instagram, na labis nga naman siyang nag-enjoy sa kanyang ‘island life vacation’. Sa isa ngang larawan na ibinahagi ng aktres ay masaya siyang nakikipagkulitan sa ilang mga aso na nasa isla, ‘island buddies’ pa nga kung ituring ito ni Arci.

“Island buddies. Sooo many great reasons to smile”, ang naging pahayag ni Arci sa kanyang post.
Ibinida naman ni Arci sa mga sunod-sunod na larawan na kanyang ibinahagi ang kanyang napaka-seksing katawan sa kanyang napaka-hot na mga beach photos.

Nakasuot si Arci sa iba niyang mga larawan ng black two-piece swimsuit na dahilan nga upang lumitaw ang walang kakupas-kupas niyang kaseksihan na talaga namang kaakit-akit pagmasdan.
Samantala, maliban nga sa kanyang pag-eenjoy sa bakasyon niya sa Siargao ay nagbigay kasiyahan rin si Arci sa isa niyang PWD na tagahanga sa nasabing isla. Ito nga ay matapos niyang personal itong bisitahin sa tahanan nito.

Ibinahagi ng netizens na si Espino Daposala Dexter sa kanyang Facebook account ang ilang mga larawan ni Arci ng ito nga ay bumisita sa kanyang tagahangang PWD na kinilalang si Kuya Abeng. Labis nga namang nabigyan ng kasiyahan ng aktres ang tagahanga niya sa ginawa niyang pagbisita rito.

Kitang-kita naman sa mga larawan na ibinahagi ni Dexterkung gaano nasiyahan si Kuya Abeng ng personal nga nitong masilayan ang hinahangaang aktres na si Arci Munoz. Agad namang nag-viral ang mga larawan na ito, at marami ang nasiyahan sa naging pagbisita ng aktres sa kanyang PWD na tagahanga.

Sinaluduhan naman ng maraming mga netizens ang ipinakitang kabutihan ni Arci sa kanyang tagahanga, at ayon pa sa kanila ay hindi nga lamang ang panlabas na kagandahan ang kahanga-hanga sa aktres kundi mas nakakahanga ang kagandahan at kabutihan ng loob nito. “Beautiful na may busiklak pang puso.” “A good, beautiful person with a good heart.” “Sana all napakabaet ni miss RC God bless po sa inyo.”