Connect with us

Entertainment

Artistahing Anak Ng Dating Dabarkads Julia Clarete Usap-Usapan Ngayon Sa Social Media

Published

on

Ikinagulat ng marami ng magdesisyon ang dating Dabarkads na si Julia Clarete na mag-resign bilang isa sa mga co-host ng longest running noontime show na Eat Bulaga noong taong 2015. Maliban dito ay binitawan rin ng actress-TV host ang kanyang career bilang isang artista, kung saan ayon sa kanya ay kinakailangan niyang gawin, dahil mas nais niya munang sundin ang dikta ng kanyang puso, at bibigyang pokus ang personal niyang buhay.

Dalawang taon matapos mawala sa harap ng kamera at telebisyon, ay napabalita ngang ikinasal na sa Ireland si Julia Clarete sa kanyang foreign partner na si Gareth Mcgeown, na CEO ng Coca-Cola Philippines.

Nakilala ni Julia ang kanyang asawang si Gareth, ng ito ay magtrabaho dito sa Pilipinas. At ng sila nga ay ikinasal ay nagdesisyon sila na sa Malaysia manirahan, kung saan tatlong taon din silang nagtagal don. Muling bumalik sa Pilipinas ang pamilya ni Julia, at dito nga’y balak nilang manirahan muli ng dalawang taon upang makapag explore, at dahil na-miss din nila ang buhay dito.

Ngunit ayon din sa dating aktres at dabarkads host, ay may balak pa rin silang lumipat ng ibang lugar.
Sa naging panayam ng dati ring host ng Eat Bulaga na si Toni Gonzaga na ngayon ay Kapamilya na, kay Julia, ay sinagot nito ang katanungan kung ano ang naramdaman niyo ng nagdesisyon siyang bitawan ang kanyang karera sa showbiz.

Na sinagot naman ni Julia, na wala siyang naging panghihinayang sa naging desisyon niya, dahil ang importante sa kanya at labis na nagpapasaya sa buhay niya ay ang kanyang mga mahal sa buhay, lalo na ang kanyang buong pamilya.

“The premise of me turning back on show business was because I was living for another country, so yun yung premise nun, but I was gonna be based here syempre complete talikod. I wanted to try something new, something good, what it’s like to live in another country as a different person”, ani Julia.

Bago pa man ikasal si Julia sa kanyang asawa ngayon, ay mayroon na siyang isang anak na lalaki, sa dati niyang asawa, at ito nga ay si Sebastian. Maraming nakakapansin na habang lumalaki ang anak na ito ni Julia, ay mas lumalabas ang angkin nitong ‘artistahin looks’ dahil sa taglay nitong kagwapuhan.

Ayon nga kay Julia, masipag, matalino at bibong bata ang kanyang anak. Ito nga umano ang gumagawa ng ilang gawaing bahay, tulad ng paghuhugas ng plato, kung saan ay sumasayaw pa ito kapag naghuhugas.

Matatandaan naman na noong nakaraang taon, ay muli nating nasilayan sa telebisyon si Julia Clarete, ito ay naging ‘guest’ siya sa segment ng Eat Bulaga na ‘Bawal Judgemental.’