Connect with us

Uncategorized

Assunta De Rossi 16-Taong Ang Hinintay Na Mas Nagbigay Kulay At Saya Sa Buhay Nila Ng Asawa Si Jules Ledesma

Published

on

Halos labing anim (16) na taon din ang naging paghihintay ng mag-asawang Assunta de Rossi at Jules Ledesma na mabiyayaan sila ng anak. Kaya naman talagang hindi na nila inakala na ang kahilingan nila na pagkakaroon pa ng anak ay mabibigyan ng katuparan, ng dumating sa kanilang buhay mag-asawa ang kanilang anak na si Giulia Fiorentina ‘Fiore’ Alessandra.

Dahil nga sa talagang napakatagal na panahon ang naging paghihintay ng mag-asawa sa pagkakaroon nila ng supling, ay itinuturing nilang isang ‘miracle baby’ ang anak nilang si Fiore.

Hindi nga lang dahil sa matagal nilang hinintay si Fiore kaya nila ito tinawag na miracle baby, kundi dahil sa kundisyon ni Assunta na pagkakaroon ng myoma at endometriosis, ay talaga namang hindi naging madali ang naging pagbubuntis niya.

Ayon kay Assunta, isa sa mga iniisip niya noon na dahilan kaya hindi siya nabubuntis ay dahil sa malaking age gap nila ng kanyang asawang si Jules Ledesma. Nasa 22-taon kasi ang kanilang agwat bago pa man nabuntis ang aktres.

Samantala, ipinaliwanag naman niya kung bakit Giulia Fiorentina ‘Fiore’ Alessandra ang napili nilang maging pangalan ng kanilang kaisa-isang anak.

Base sa aktes ang “Giulia” ay parang pag-pronounce din ng pangalang Julia, wala lang talagang letter J sa Italian alphabet. Ito ay tribute umano niya sa kanyang paternal great-granfather na si Don Julio.

Ang “Fiorentina” naman ay mula sa Spanish version ng pangalan ng kanyang paternal great-grandmother na si Doňa Florentina. Para naman tribute niya sa kanyang sister at sa kanyang Lola Alejandra aka Inang ang pangalan na “Alessandra”, na ang ibig umanong sabihin ay ‘defender/protector’.

Matatandaan na ang mag-asawang Assunta de Rossi at Jules Ledesma ay dalawang beses na ikinasal, kung saan ang una nilang naging pag-iisang dibdib ay naganap noong taong 2002 sa San Carlos City at taong 2004 naman sa Sanctuario de San Antonio sa Forbes Park, naganap ang ikalawa nilang pagpapakasal.

Si Jules Ledesma bago pa man maging asawa ni Assunta ay mayroon ng dalawang anak sa kanyang naging partner noon, at ito nga ay ang mga anak niyang sina Julio at Cristina Ledesma. Siya ay naunang ikinasal sa kanyang dating asawang si Maria Victorina Tsung Pek, na pumanaw noong taong 2004, kaya naman mula noon ay ang aktres ng si Assunta de Rossi na ang tumayong ina ng kanyang dalawang anak.

Ang kapatid naman ni Assunta na si Alessandra de Rossi ay hindi maitago ang kaligayahan sa pagkakaroon ng anak ng kanyang kapatid, dahil nga sa siya’y may pamangkin na parang anak din niya kung ituring. Sa socmed ng aktres,

ay madalas niyang ibinahagi ang larawan niya kapag inaalagaan niya si baby Fiore. Sa isang larawan nga na kanyang ibinahagi ay may caption pa na;
“The humors are very true. I am giving birth to SpongBob.”