Showbiz
Bahay Ng Mag-Partner Na Sina Zsa Zsa Padilla At Conrad Onglao Tunay Na Nakakamangha Ang Ganda At Disenyo

Masayang ipinasilip ng singer-actress na si Zsa Zsa Padilla sa publiko kamakailan lamang ang kanilang tahanan ng kanyang partner ngayon sa buhay na si Conrad Onglao. Katulad nga ng ilang mga tahanan na ng artista, ay talaga namang hindi maikakaila na napakaganda at garbo ng tahanan ng magpartner na sina Zsa Zsa at Conrad, at tila nga ang disenyo nito ay katulad ng mga tahanan na masisilayan natin sa ibang bansa.
Matatagpuan sa lungsod ng Makati ang tahanan na ito ng dalawa, kung saan ito ay nasa loob nga ng isang ekslusibong ‘village’. Ito ay mayroong tatlong palapag, at ang disenyo nito ay mismong si Conrad nga ang gumawa dahil sa siya ay isang arkitekto. Makikita nga na ang tatlong palapag na tahanan nina Zsa Zsa at Conrad ay nakukulayan ng puti at ito ay napapalibutan ng mga glass window. Ang bakuran din nito ay tunay na kahanga-hanga dahil sa napapalibutan ito ng mga luntiang halaman na talaga namang napakagaan sa pakiramdam.
Kapansin-pansin naman na walang gate ang tahanan na ito nina Zsa Zsa at Conrad. Tila rin isa itong mall dahil sa laki nito, at mayroon pa ngang sariling elevator sa loob. Ayon naman sa mag-partner, sa kabila ng mayroong elevator ang kanilang tahanan, ay mas madalas pa rin nilang ginagamit ang hagdan kapag sila ay umaakyat sa palapag ng kanilang tahanan, ito nga ay dahil sa nagisilbi nilang ehersisyo ang akyat-panaog nila sa hagdanan.
Naging napakalawak at aliwalas naman lalo pag masdan ng loob ng tahanan nila dahil sa pagkakaroon nito ng high ceiling, at mga glass window na nagbibigay nga ng natural na liwanag mula sa sikat ng araw sa labas ng kanilang tahanan. Si Zsa Zsa Padilla ay isa sa mga sikat at popular na singer-actress sa Philippine showbiz industry,
maliban pa dito ay nakilala rin siya ng publiko bilang ang dating karelasyon ng King of Comedy na si Dolphy. Nang pumanaw nga ang Hari ng Komedya, ay naudlot ang pagmamahalan ng dalawa, ngunit sa paglipas ng panahon ay muli ngang umibig si Zsa Zsa at ito nga ay sa katauhan na ng partner niya ngayon na si Architect Conrad Onglao.
