Connect with us

Uncategorized

Barbie Imperial Excited Sa Magiging Kasal Ng Kanyang Itinuturing Na “Ate” Sa Showbiz Na Si Ara Mina

Published

on

Noong ika-12 ng Enero ay na-engaged na ang aktres na si Ara Mina sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Dave Almirez. At dahil sa bagong kaganapan ngang ito sa buhay ng aktres, ay marami sa kanyang mga kapamilya at kaibigan ang talaga namang ikinatuwa ito. Kabilang na nga sa mga ito at malapit na kaibigan ni Ara, na para na niyang kapatid sa showbiz na si Barbie Imperial.

Naging malapit sa isa’t isa bilang isang magkaibigan sina Barbie Imperial at Ara Mina noong sila ay magsama sa ABS-CBN series na “Araw Gabi”, hanggang sa naging parang magkapatid na nga ang kanilang turingan.

Kaya naman ng malaman ni Barbie na engaged na ang kanyang Ate Ara, ay hindi nito naitago ang kanyang saya, at pagiging excited sa nalalapit nitong kasal.
Ibinahagi nga ni Barbie sa kanyang IG account kung gaano siya kasaya at ka-excited para kay Ara Mina, sa magiging bagong yugto ng buhay nito.

“My ate is now engaged! Congrats my ate, you deserve it, you deserve all the happiness in the world. I am so happy for you ate! Can’t wait to see you in a beautiful white dress! I love you”, saad pa ni Barbie.
Sa industriya ng showbiz, ay si Ara ang itinuturing na bestfriend ni Barbie Imperial.

Sa parehong araw nga ng naging pag-propose kay Ara ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Dave, ay ginanap din ang isang engagement party para sa dalawa sa isang pribadong restaurant, kung saan ay dumalo si Barbie at ang boyfriend nitong si Diego Loyzaga.

Dumalo rin sa nasabing okasyon, ang in ani Diego Loyzaga na si Teresa Loyzaga, na isa rin umano sa mga malalapit na kaibigan ni Ara Mina sa industriya ng showbiz.

Samantala, matatandaan naman na noong magkaroon ng panayam si Barbie, ay ikinuwento nito kung gaano sila ka-close ni Ara, ayon sa aktres, ay kay Ara siya tumatakbo kapag may nangyayari sa buhay niya. “Takbuhan ko talaga siya (Ara) pag malungkot ako, pag masaya ako. Sobrang sweet niya kasing tao. Sobrang loving.”

Hindi nga nawawala si Barbie sa mga espesyal na okasyon sa buhay ni Ara, tulad na lamang sa mga pagdiriwang ng kaarawan nito.

At noon ngang ng magdiwang si Ara ng kanyang kaarawan, ng wala pang Krisis ay dumalo si Barbie, at ang naging hiling nito para sa kanyang Ate sa showbiz, ay tila nagkatotoo na ngayon.
“Sana magkaroon na siya ng love life, magkaroon ng boyfriend na mamahalin siya.”