Connect with us

Showbiz

Batang Gumanap Noon Bilang Si ‘Cedie’ Na Si Tom Taus Grabe Ang Kapogian Ngayon

Published

on

Maraming mga batang artista tayong kinagigiliwan sa telebisyon noon at maging hanggang sa ngayon. At tunay namang napakabilis ng paglipas ng panahon, sapagkat ang mga batang noon ay kinagigiliwan natin sa telebisyon dahil sa kanilang taglay na kakyutan at ka-charmingan, ngayon nga ay hinahangaan naman natin dahil sa pagkakaroon nila ng gwapong mukha at matipunong pangangatawan.

Nito lamang nakaraan ay nag-post ang aktres na si Antoinette Taus ng isang lumang larawan ng kanilang pamilya, at makikita rito kung saan nila namana ng kanyang mga kapatid ang taglay nilang kagandahan at kagwapuhan, at ito nga ay sa kanilang mga magulang. Agaw pansin naman sa nasabing larawan ng isang cute na cute na bata na nagpaalala sa marami sa atin ng kanyang angking husay sa pag-arte.

Ang cute na cute nga na batang ito ay ang kapatid ni Antoinette na si Tom Taus. Ayon sa ulat ang kapatid ng ani Antoinette na si Tom Taus ay isa na ngayong pioneer sa pagsasama-sama ng live electronic drums at dance music. Isa rin ngang DJ si Tom na talaga namang gumagawa ng mga mala-ekplosibong pagtatangal.

Minsan na ngang itinampok sa DJ MAG ASEAN bilang “Best of the Region” (South East Asia) si Tom. Tunay namang napakahusay ni Tom bilang isang DJ sapagkat talagang nira-rock niya ang mga stage sa mga festival na kanyang pinupuntahan , kagaya na lamang ng ULTRA Japan Road to Ultra Philippines, kung saan ang mga ito ay ay parehong dinaluhan ng mga top DJ sa mundo, kagaya na lamang ng ani Armin Van Muuren, Tiesto, Hardwell, Martin Garrix, Avicii at marami pang iba.

Si Tom Taus ay naimbitahan na magperform sa mga events na ang mga naging host ay mga taong sikat at kilala ang pangalan kagaya na lamang nina Lady Gag, Snoop Dog, Manny Pacquiao at marami pa ngang iba. Talaga namang nakakabilib ang galing ni Tom bilang isang DJ, sapagkat hindi lamang siya sa ating bansa kilala ngayon sa nasabing propesyon kundi maging sa ibang syudad sa Asya at maging sa UAE.

Unang nakilala ng publiko si Tom Taus bilang isang batang aktor noon, na mas naging popular pa nga ng gampanan niya ang pagiging si Cedie sa palabas noon na ‘Cedie Ang Munting Prinsipe’. Ang kanyang labis na kayutan at husay sa pag-arte ay talaga namang kinagiliwan ng maraming mga manonood noon, kung kaya naman magpahanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa marami ang pangalang Cedie. Ngunit ang dati ngang munting Cedie ay isa ng maangas at mahusay na drummer ngayon.