Connect with us

Showbiz

Batang Kinagigiliwan Noon Sa Commercial Ng “Camella Homes” Isa Ng Ganap Na Dalaga Ngayon

Published

on

Isa sa mga commercial sa telebisyon na tumatak sa maraming mga manonood noon, lalo na sa mga bata, ay ang commercial ng “Camella Homes”, ito ay dahil sa kanta sa nasabing patalastas na “Bulilit Sanay sa Maliit.”

Matatandaan na sa nasabing commercial, ay mayroong isang kyut na kyut na batang babae na umaawit ng naturang awitin, kaya naman talagang hindi ito basta-basta malilimutan ng mga manonood.
Ang bata ngang ito na gumanap bilang ang kyut na batang bulilit sa “Camella Home” commercial ay Chacha Canete o ang tunay ngang pangalan ay Trisia Luise.

Taong 2009 ng umere sa telebisyon ang patalastas na ito, kung saan nga natin napanood ang bibong batang si Chacha. Ayon sa mga naging ulat, napasok ni Chacha ang mundo ng telebisyon, ng magpasya ang kanyang mga magulang na siya’y ipasok sa ‘Goin Bulilit’ ng ABS-CBN. At dito na rin nga nakita ang potensyal at pagiging bibo ni Chacha, kaya naman hindi nagtagal ay naging isa siya sa mga hinangaang child star noon.

Dahil sa taglay na pagkabibo at talento, ay nakuha agad ni Chacha ang pansin ng publiko, kaya naman limang taon ring namayagpag ang kanyang karera sa telebisyon. Limang taon lamang siya sa mundo ng telebisyon, dahil sa matapos nito ay nagdesisyon siya na mas bigyang pokus ang kanyang pag-aaral, kaysa sa tagumpay at kasikatan.

Samantala, kahit nga hindi na nakikita sa telebisyon si Chacha, ay pinatunayan naman niya na hindi lang siya sa pagiging isang child star may ibubuga, dahil mas dapat siyang hangaan sa kasipagan at pagpupursige niya sa kanyang pag-aaral. Hindi nga lamang basta talentadong bata si Chacha, dahil napakagaling rin nito pagdating sa eskwela kaya naman marami siyang mga parangal na natatanggap sa kanyang pag-aaral.

Sa kabila din ng naging paghinto ni Chacha sa pag-arte sa telebisyon, ay nagagawa pa rin umano niyang ipakita sa ibang mga tao ang kanyang talento sa pag-arte, dahil sumali siya sa theater arts sa kanilang paaralan. Kung sisilipin naman ang buhay ni Chacha ngayon, ay makikita na ang dating child star na hinahangaan, ay isa ng ganap na dalaga.

Base sa naging ulat ng PEP.ph, kamakailan lamang ay muling napag-usapan online si Chacha Canete, ito ay matapos niyang kantahin ang kanyang bersyon ng awitin ni Rachel Platten sa Wish 107.5 na “Flight Song”, kung saan ay talagang umani siya ng maraming paghanga at papuri dahil sa napakahusay ng pagkaka-awit niya sa naturang kanta.

Dahil sa napakarami nga ang talagang napamangha ni Chacha sa naging pag-awit niya ng “Flight Song”, ay napakarami ring mga likes at reaksyon ang nakuha ng kanyang video habang ito nga ay kanyang inaawit, kaya naman naging “top 8” ito sa YouTube PH trends.

Bago pa man ito, ay minsan na ring ipinamalas ni Chacha ang kanyang husay sa pag-awit noong taong 2013, ng maging representante siya ng PIlipinas sa 17th World Championship of Performing Arts (WCOPA), kung saan kalahok siya sa limang kategorya ng nasabing kumpitisyon. Ito nga ay idinaos sa Hollywood, California.