Connect with us

Entertainment

Batikang Aktor Na Si Tirso Cruz III At Kanyang Misis Ipinagdiwang Ang Kanilang Ika-41 Taong Anibersaryo Bilang Mag-asawa

Published

on

Napapansin natin na sa panahon ngayon maraming mag-asawa ang nauuwi sa hiwalayan ang pagsasama, kaya naman talagang maituturing na malaking biyaya kung magmula ng maikasal kayo ng iyong asawa, ay hanggang ngayon ay magkasama at magkatuwang pa kayo sa buhay. Tunay ding nakakabilib ang mga mag-asawa na pinagtibay ang pagmamahalan sa tagal ng panahon ng kanilang pagsasama.

Tulad na lamang ng batikang aktor na si Tirso Cruz III at kanyang misis na si Lynn Ynchausti, na nito lamang nakaraang ika-25 ng Mayo ay minarkahan nga ang kanilang ika-41 taong anibersayo bilang mag-asawa. At kahit nga hindi sila magkasama na dalawa sa espesyal na araw nila na ito, ay sinigurado ng batikang aktor na maipaparamdam pa rin niya sa kanyang misis kung gaano ka-espesyal para sa kanya ang anibersaryo nila.

Sa kanyang Instagram account ay nagbahagi nga si Tirso ng may kahabaang mensahe na naglalaman nga kung bakit hindi niya kasama sa anibersaryo ang kanyang misis. Inalala din ng batikang aktor ang yumao niyang anak na si TJ.

“GODly heavenly morning TJ. It’s our 41st wedding anniversary today. Sayang lang I won’t be able to celebrate it with your mama because I am here in Ilocos for taping,” saad nga ni Tirso sa kanyang IG post.

Ayon nga sa aktor, kaya hindi niya kasama ng misis niya sa pagdiriwang ng kanilang anibersaryong dalawa ay dahil sa kasalukuyan nga ay nasa lock-in taping siya ng FPJ’s ANg Probinsiyano sa Ilocos. Sa kabila nito ay nangako naman si Tirso na pagkauwing na pagka-uwi niya ay ipagdiriwang pa rin nila ng misis niya ang espesyal na okasyon na ito sa kanilang mag-asawa.

“Anyway, we’ll celebrate na lang when I get home. Missing you more during special occasions like this. Love you Teej!”, saad pa ng batikang aktor.Samantala, sa social media naman ng misis ni Tirso na si Lynn ay makikita ang pagbabahagi nito ng throwback photo nilang mag-asawa na kuha sa kasal nila. Kalakip nito ay ang kanyang mensahe na nagsasaad ng naging buhay nilang mag-asawa.

“When my husband and I got married on May 25, 1981 we didn’t have pictures. So we did pictorial months or a year after, with me wearing a bridal gown and my husband wearing a Barong Tagalog (as seen in the 1st photo). The second photo was on May 25, 1986, on our 5th Anniversary, when we renewed our marriage vows officiated by the late Rev. Doy Castillo,” ani Lynn.

“The 3rd up to 5th photo were taken during our 25th wedding anniversary, with very few and closest friends and family members attending. In 2016, just before our 35th wedding anniversary, we prayed to the Lord for provisions so we can travel to Israel with our children and renew our marriage vows in Cana, where the Lord performed His very first miracle.”

“Praise God, the Lord provided, so on April 19, 2016, we got married again (last 5 photos) with no other than our dear Pastor Nomer Bernardino officiating. To add, to our weddings mentioned, we still had other renewal of marriage vows, I think twice or even more, during our marriage encounter seminars and church services when the pastor would ask who would like to renew their vows”.