Connect with us

Entertainment

Batikang Aktres Na Si Gina Pareňo Ibinahagi Ang Naranasang Maging Tindera At Tricycle Driver

Published

on

Isa sa mga kilala at popular na batikang aktres sa industriya ng showbiz ay si Gina Pareňo o sa tunay na buhay ay si Geraldine Acthley. Ang kanyang ina ay isang Filipina, samantala may lahing German-American naman ang kanyang ama.

Nagsimula sa pa-ekstra ekstra sa mga pelikula sa tebisyon si Gina Pareňo noong taong 1960. Ang kanyang talento at angking karisma bilang isang aktres ay napansin ng Sampaguita pictures, at dito na nga nagsimula ang lahat ng magandang karera niya bilang isang artista.

Samantala, tulad naman ng ibang mga artista ay hindi rin naman biro ang pinagdaanan ni Gina Pareňo sa kanyang buhay. Ayon sa kanyang, noong hindi pa siya artista, ay naranasan niya ang hirap ng buhay, kung saan ay kinakailangan niya maglako ng mga ‘fried banana’, maging isang driver at mag-ekstra sa mga pelikula para lamang makatulong sa kanyang pamilya.

Noon nga umano ay nag-tricycle driver pa sa Makati si Gina, at kahit nga mahigpit na ipinagbabawal ang pagtitinda sa Sampaguita Pictures Office ay nagagawa pa umano niya na mag-over the bakod para lamang siya’y hindi mapansin ng gwardya at magawa pa rin niyang makapagtinda.

Ibinahagi pa niya na noon ay sampung piso lamang ang kanyang kinikita sa pag-ekstra ektstra niya. Pag-amin din niya ng magsimula ang kasikatan sa kanya, ay nagkaroon din siya ng bisyo.

“Yung akin naman na bisyo na yun, actually hindi naman ganun ka bisyo na αdιк nα αdιк na akong ganun. Yung akin lang gusto kong tυmιkιm, eh nadali ako sa tιkιm kaya ngayon maingat na ako. Dun ako nadali patikim tikim na ganun.” Saad ni Gina ng makapanayam siya sa programang Tunay na Buhay ng host nito na si Pia Arcanghel. Sa tulong naman ng pamilya niya ay nahinto niya ang kanyang bisyo.

Sa ngayon ay edad 71 na si Gina, at aktibo siya sa kanyang social media account kagaya na lamang ng pagtitik—tok. Mayroon na nga siyang 2-milyon na mga followers sa kanyang Tiktok, dahil na rin ito sa hatid niyang positive vibes.

“Bagets na bagets pa po kayo at hindi po kayo mukhang 71 dahil napakamasayahin niyo po. Idol na idol kayo ng aking Lola dahil bukod sa galing niyo sa pag-arte ay magaling din kayo magpatawa.”
“Walang kupas ang ganda niyo Ms. Gina humahataw parin ang star ng 60’s. Sabi ng mama ko nakita ka na daw sa personal noon at gandang ganda siya sayo at bait pa. Pag nagpo-portray ka ng role masyadong natural acting niyo po, kumbaga busog na busog yung manonood.”