Connect with us

Showbiz

Bea Alonzo Ipinasilip Ang Loob Ng Kanyang Plane Cabin Inspired Taping Van

Published

on

Marami sa ating mga hinahangaang artista sa mundo ng showbiz ay mayroong tinatawag na “artista van”. Sa uri kasi ng kanilang trabaho na talaga namang madalas na ginagabi sa taping o di kaya naman ay nagtutungo sa mga malalayong lugar o probinsya ay kinakailangan nila ang ganitong uri ng sasakyan kung saan sila mas kumportableng makakapagpahinga at halos lahat ng kanilang mga kinakailangan ay nasa loob na nito.

Isa naman sa mga actress na hindi nagpahuli na magkaroon na rin ng artista van ay ang Kapuso actress na ngayon na si Bea Alonzo. Kung saan nito nga lamang nakaraan sa kanyang latest vlog ay ipinasilip niya ang bago niyang artista van, na talaga namang kabibiliban sa ganda at pagka-organized.

Sa latest van ni Bea ay ipinasilip nga niya ang loob ng kanyang artista van. Bago simulan ang pagpapasilip sa loob ng kanyang van ay ibinahagi muna niya na sa 20-taon niya sa showbiz bilang isang aktres ay ngayon nga lang siya nagkaroon ng ganitong uri ng sasakyan. Ayon kasi sa kanya, nung una ay tila ,hindi pa naman talaga niya ito kailangan, ngunit ngayon nga na may krisis ay tila isa na itong ‘necessity’ para sa mga artista na tulad niya dahil sa uri ng kanilang trabaho.

“Before kasi I never really felt like I needed one, since kadalasan naman pagpupunta kami sa set, nasa tent na kami agad”, saad ni Bea. Dagdag pa niya, “Feeling ko ngayon, its become a necessity para sa trabaho namin, because we go a lot of different places.”

Pagbukas agad ni Bea ng kanyang Ford Transit na sasakyan ay agad na bubungad ang isang storage box, kung saan ayon kay Bea ay dito nakalagay ang mga sanitary at disinfectant items niya, kagaya na lamang ng slipper, alcohol, disinfectant spray, mga mask, at maging ang lagayan niya ng mga “used mask” niya na kinakailangan na naide-desposed ng maayos. Ayon naman sa aktres, isa siya sa mga fan ni Alexa, kaya naman ang kanyang customized na sasakyan ay isa ring voice-automated van.

Ibinida naman ni Bea ang kanyang napakagandang captain chair, na talaga namang para sa aktres ay napaka-useful, sapagkat hindi lang ito basta upuan, kundi maari din niya itong mahigaan kung nais niyang makkatulog. Dagdag pa niya, ang magandang feature ng upuan na ito ay isa rin itong massage chair, at maari ka ring magcharge ng cellphone dito.

Ang nakadagdag pa sa magandang ambiance ng sasakyan ni Bea ay ang mga magagandang ilaw nito, na tila mga bituin sa kalawakan. Ibinahagi rin ng aktres, na may wifi ang buong sasakyan, kaya naman maari siyang manood ng mga pelikula sa Netflix kagaya na lamang ng paborito niyang “Squid Game.”

Ipinakita rin niya ang kanyang microwave sa loob ng sasakyan, na ayon nga kay Bea noon pa man ay talagang nagdadala siya ng microwave sa taping dahil gusto niyang mainit ang kinakain niyang food. Ngayon nga ay hindi na niya kailangan dalhin ito sa taping dahil sa nsa loob na ito ng kanyang sasakyan.
“Talagang nagdadala ako ng sarili kong microwave, kaysa ipo-problema ko pa dun sa production people kung saan iinit yung pagkain ko, kaya I bring my own na lang”, aniya.

Ipinagmalaki rin ni Bea na ang talagang pinakagusto niya sa loob ng kanyang customized van ay ang pagiging organized ng lahat ng mga gamit niya rito. Isa pa naman sa talagang nakakabilib sa loob ng van ni Bea ay ang pagkakaroon nito ng bonggang CR, na kumpleto sa lahat, dahil may shower, labatory, at toilet bowl ito. Talaga namang kamangha-mangha aat napakabongga ng customized van ni Bea, dahil sa mga magagandang feature nito.