Showbiz
Bea Alonzo Ipinasilip Ang Nakakakilig Getaway Sa El Nido Kasama Ang Kanyang Boyfriend

Kung kilig at tamis ng pag-iibigan ang pag-uusapan, hindi nagpapahuli riyan ang celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque. Magmula nga ng mabunyag sa publiko ang relasyon nilang dalawa, ay hindi na nga sila tinantanan ng kanilang mga tagahanga, at lagi ng nakasubaybay sa mga sweet moments nilang magkasintahan.
Samantala, noon ngang nakaraang Valentine’s Day nu’ng buwan ng Pebrero ay isa ang magkasintahang Bea at Dominic sa mga nagbigay ng kilig sa kanilang mga tagahanga, ito nga ay matapos nilang ipagdiwang ang nasabing okasyon sa mala-paraisong isla ng El Nido, Palawan. Noon ngang ika-26 ng Pebrero sa pamamagitan ng isang vlog, ay ipinasilip ng Kapuso actress na ngayon na si Bea Alonzo ang naging getaway nila ng boyfriend niyang si Dominic Roque sa El Nido, Palawan bilang pagdiriwang nga nila ng araw ng mga puso.
Walang pinalampas na sandali ang magkasintahan sa pananatili nila sa nasabing lugar, at talaga namang sinulit nila ang panahon na sila ay nasa isang tila paraisong isla. Makikita sa ibinahaging vlog ni Bea na isang napakaganda at nakakarelaks na villa ang tinuluyan nil ani Dominic, kung saan maliban nga sa mgandang tanawin na nakapalibot dito ay mayroon itong sariling swimming pool.
Ipinakita rin ng Kapuso actress na nagkaroon sila ng dinner date ng kanyang boyfriend, kung saan ay talaga namang sila ay inasikaso at talagang pinaghanda ng mga staff sa nasabing resort na kanilang tinuluyan. Iba’t ibang mga aktibidad din ang ginawa ng magkasintahan sa pananatili nila sa isla, kabilang na rito ang pagbisita nila sa ipinagmamalaking lugar ng El Nido, Palawan at ito nga ay ang kahanga-hanga sa ganda na tanawin ng Big Lagoon, Cadlao.
Hindi rin nga nakaligtaan na magkasintahan na subukan ang mga iba’t ibang beach activities sa isla, katulad na lamang ng pag-snorkeling na labis nga nilang in-enjoy. Sa lahat nga ng mga ginawa nina Bea at Dominic sa isla ay marami ang mga tagahanga nila ang kinilig dahil labis din ngang ipinakita ng magkasintahan ang pagiging sweet nila sa isa’t isa, patunay lamang na tunay ang kanilang pagmamahalan.
Ayon naman kay Bea, ilang beses na rin siyang nakarating sa El Nido at talaga namang nag-e-enjoy siya tuwing bumibisita o napapasyal siya sa nasabing lugar. Ngunit sa pagkakataon nga na ito na ang taong nagpapasaya sa kanya at mahal niya ang kasama niya ay mas naging espesyal pa nga ang pagbabakasyon niyang ito sa El Nido.
“I am very lucky to experience this with someone I love. Buti na lang we decided to come here together. We decided to plan this for Valentine’s because it’s very very special”, saad ng Kapuso actress.
Dagdag pa niya, “Sabi nga nila, happiness is best when shared and to be sharing this experience with him is so much more meaningful to me.”
