Showbiz
Beauty Gonzalez Ibinida At Taas Noong Ipinagmamalaki Ang Kanyang ‘Sexy Figure

Muling naging usap-usapan ang aktres na si Beauty Gonzalez sa social media nito lamang nakaraan, ito nga ay matapos na ibandera ng Kapuso actress ang kanyang nagagandahan at nakakamanghang mga bikini photo na kuha nga sa isang beach.
Sa pinakabagong Instagram post ni Beauty ay makikita nga ang naging pagbabahagi niya ng kanyang larawan kung saan siya ay nakasuot ng black and white patterned two-piece na nagpapakita nga ng well-mained at fir na pangangatawan. “Trying my best to stay shady but it’s just too darn hot,” saad ng celebrity mom sa kanyang caption sa nasabing larawan.
Bumuhos naman ang maraming komento ng papuri sa Ig post na ito ni Beauty, ito ay dahil tunay nga namang kapuri-puri at kahanga-hanga ang kanyang taglay na beach body ito ay sa kabila nga ng pagiging isa na nga niyang mommy. Maliban pa sa larawan na ito, ay nagbahagi rin ang Kapuso actress ng short video sa kanyang Instagram account kung saan naman mapapanood na siya ay nasa may dagat at nakasuot nga ng light blue swim suit na bagay na bagay naman talaga sa kanya.
Tunay naman ngang napaka-fabulous ni Beauty Gonzalez sa mga suot niyang bikini, at kung isa ka nga sa mga naghahanap ng ideya ng mga pang bikini outfit para sa ga nalalapit mong beach outing ay i-tsek mo na ang mga larawan ng Kapuso actress at dito ay baka may makuha kang ideya sa kung ano ang maganda na bikini na magpapalutang pa lalo ng taglay mong kaseksihan.
Si Beauty Gonzalez ay isang Spanish-Filipino actress na mula sa Dumaguete City. Una siyang nasilayan ng publiko sa telebisyon ng maging isa siya sa mga housemates ng Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus kung saan siya nga ay tinaguriang “Rebellious Beauty” at hinirang na 4th grand placer sa nasabing reality show.
Matapos nga ang naging pagsabak ni Beauty sa PInoy Big Brother, ay dito na nga nagsimula na magbukas sa kanya ang napakaraming sa mundo ng showbiz kung saan iba’t ibang mga teleserye nga sa ABS-CBN network ang kanyang kinabilangan. Ang isa sa mga pinakamalaking break niya noong siya ay nagsisimula pa lamang sa industriya ay ng maging leading lady siya ng aktor na si Zanjoe Marudo sa ABS-CBN Primetime serye na ‘Dream Dad.’
Sa kasalukuyan, maliban sa pagiging isang aktres ay isa na ring butihing maybahay si Beauty at ina sa kanyang asawa at anak, ito ay matapos niyang ikasal sa negosyanteng si Norman Crisologo noong taong 2017 at nabiyayaan naman sila ng isang anak, at ito nga ay si Olivia.
