Connect with us

Entertainment

Beauty Queen Actress Megan Young Matapang Na Hinarap Ang Isa Sa Kanyang Kinatatakutan

Published

on

Bawat isang indibidwal na nabubuhay dito sa mundong ibabaw, kahit gaano man katapang sa hamon ng buhay ay mayroon at mayroon talagang kinatatakutan. Ang iba nga ay takot sa madilim, masikip o di kaya ay matataas na lugar, at may iba naman na may kinatatakutan na bagay o di kaya naman ay hayop.

Para naman sa isa sa mga hinahangaang actress-beauty queen na si Megan Young, ay ang pag-iyak sa pampublikong lugar at pag-akyat sa mga matataas na lugar ang talaga namang kanyang kinatatakutan. Ito nga ang naging pagbubunyag ng mister ni Megan na si Mickale Daez, kung saan kamakailan nga lamang ay ibinahagi niya sa kanyang social media account.

Makikita sa Instagram account ni Mickael ang naging pagbabahagi nito ng video kung saan ay mapapanood ang kanyang misis na si Megan Young na matapang na hinaharap ang dalawang bagay na kinatatakutan nito. Ang nasabi ngang video na ito na ibinahagi ng aktor ay kinunan sa isang lugar kung saan sila nagbabakasyon.

“Saan ka mas takot?!”, ang naging patanong na caption ni Mickael.
“Boneezy is a cat…. A scaredy cat! But I support her in every way so I accept her catty ways. However, in this case, two scaredy cats showed up. The fear of heights and fear of crying In pulic. Let’s see which fear wa stronger”, dagdag na caption pa ng aktor.

Sa video na ito na ibinahagi ni Mikael, ay makikita ang beauty queen-actress na si Megan Young na nakasakay sa isang elevator ng isang building na talaga namang napakataas. At dahil nga takot si Megan sa matataas na lugar ay takot rin itong magpakita na siya’y umiiyak sa publiko ay mapapansin nga sa kanyang mukha na nagpipigil na lamang ang pagtulo ng kanyang luha.

Kuwento pa ni Mikael, talaga namang natakot si Megan sa pagsakay nila sa elevator, ngunit dahil mas takot itong umiyak sa publiko, ay pigil na pigil nga nito ang sarili. Mapapanood rin naman sa videong ito na kahit sa escalator na sila ay tila takot pa rin si Megan, kung saan sang beauty queen-actress ay nakaupo sa sahig ng escalator at tila hinang hina dahil nga sa nararamdaman na takot.

Samantala, ipinakita rin naman ni Mikael sa video ang larawan ni Megan a nakunan niya habang sila ay nagbabakasyon. At ayon nga sa aktor, ang mga larawan na ito ay itatago niya at kapag sila ay mayroon ng mga anak, ay ipapakita niya ito sa mga anak nila para mabatid ng mga ito kung gaano katapang ang kanilang ina.

“We had these two amazing epic shots of Boneezy which we will surely show our future kids to prove to them that their mother is super brave. Kind of”, ang naging saad ni Mikael. Nilinaw naman ng aktor na sa ginawa nilang pagharap sa takot ng kanyang misis na si Megan Young, ay hindi naman ito nasaktan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mikael Daez (@mikaeldaez)

“FYI, neither bonez or her cats were hurt in this video. We also bought her some yummy mochi and she completely forgot about the whole ordeal #MochiBeatsAllFears”, ang naging pagbabahagi pa ng aktor. Matatandaan na noon lamang nakaraang taon ikinasal sina Megang Young at Mikael Daez, at nito nga lamang nakaraang buwan ng Enero taon ng kasalukuyan ay naipagdiwang na ng celebrity couple ang kauna-unahang anibersaryo nila bilang mag-asawa.