Connect with us

Showbiz

Bela Padilla Ibinahagi Ang Pagmamahal Sa Kanyang Non Showbiz Boyfriend “Pinapasaya Mo Ang Bawat Araw Ko”

Published

on

Lahat tayo ay nangangarap na makatagpo ang taong makakatuwang natin sa buhay. Isang taong ipapadama sa atin ang labis na kaligayahan at pagmamahal na ‘deserve’ natin. May iba na hanggang ngayon, ay hindi pa ito natatagpuan, ngunit mayroon naman na tila nga nakatagpo na ang taong ito na kanilang pinapangarap.

Katulad na lamang nga ng aktres na si Bela Padilla, na tila nga natagpuan na ang kanyang ‘forever’ sa katauhan ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Norman Bay, isang Swiss-Italian.
Tila nga talagang ‘very happy’ at nasa ‘best time’ ng kanyang buhay ngayon si Bella sa piling ng kanyang boyfriend na si Norman.

Samantala, nito nga lamang ika-22 ng buwan ng Pebrero taon ng kasalukuyan, ay isang sweet-heartfelt message ang inihandog ng versatile actress para sa kanyang boyfriend na si Norman Bay, na itinuturing nga niyang ‘partner’ niya sa lahat ng bahay sa kanyang buhay.

“Happy second anniversary my travel buddy, fellow foodie, Billie Eilish album reviewer, master of plants (specifically chillies and citrus plants) and to the person who would still hang out with me even if there was a man park where men randomly talk about Marvel 😂❤️ you make my days brighter! 🥰 also how cool is it that our second anniversary is on 2.22.2022?!”, ang naging saad ni Bella na mensahe para sa kanyang nobyo para sa pagdiriwang nila ng kanilang ika-2 taong anibersaryo bilang magkasintahan.

Isang short at sweet reply naman ang naging sagot ni Norman para sa mensaheng ito ni Bela sa kanya, kung saan tila nga simple nitong ibinunyag ang synchronicity ng kanilang anniversary date at isinulat ito gamit pa ang mga heart emojis. Agad namang nagpaabot ng kanilang masayang pagbati para sa magkasintahang Bela at Norman ang ilang mga kaibigan ng aktres sa mundo ng showbiz, kagaya nina Angelica Panganiban, Dani Barretto, Dan Villegas, Cherry Pie Picache at marami pang iba.

Matatandaan na noong nakaraang taon, ay sinorpresa ni Bela ang marami ng lumipad patungong Europe ang aktres ito ay para nga manatili sa bansang London. Agad namang naging katanungan ng kanyang mga tagahanga ay kung mag ‘for good’ na ba sa nasabing bansa ang aktres, ngunit sa isa ngang ‘surprising revelation’ ay nabanggit ni Bella na magbabalik pa siya sa Pilipinas ito nga ay kapag naging maayos na ang krisis sa ating bansa.