Connect with us

Entertainment

Beteranong TV Host Na Si Paolo Bediones Ipinakilala Ang Kanyang Anak Sa Publiko

Published

on

Pagdating sa larangan ng hosting at broadcasting sa telebisyon ay isa sa mga pinakamahusay at kilala ng publiko ay ang Tv host – broadcaster na si Paolo Bediones. Dahil sa kanyang husay sa pagiging host at mamahayag sa telebisyon ay ilang mga parangal na rin ang naiuwi ni Paolo, at hindi na nga rin mabilang ang mga naging pagkilala sa kanyang husay.

Maliban pa nga sa pagiging host-broadcaster ay naging isa ring game at quis show master ng telebisyon si Paolo. Samantala, hindi lang naman ang pagkakaroon ng matagumpay na karera ngayon ang labis na ikinasisiya ni Paolo sa kanyang buhay dahil mas nag-uumapaw nga ang kanyang saya ngayon na siya ay mayroon ng sariling pamilya kasama ang partner niyang si Lara Morena.

Kamakailan nga lamang ay naiulat ang nalalapit na pagpapakasal ni Paolo at Lara. Ngunit hindi pa man nga nagaganap ang espesyal na araw na ito sa buhay nilang dalawa, ay masaya naman nilang ipinakilala na sa publiko ang mas nagbibigay kaligayahan at nagpapatibay sa kanilang relasyon ngayon. Ito nga ay ang kanilang unang anak, na isa ngang babae at binigyan nila ng pangalan na si baby Avery.

Base sa mga lumabas na balita, si Baby Avery ay adopted daughter nina Paolo at Lara, at ito nga ngayon ang ‘bundle of joy’ ng mag-partner. Magmula nga ng dumating sa kanilang buhay ang naturang sanggol, ay masaya namang niyakap ni Paolo ang resposibilidad ng pagiging isang Tatay.

Makikita sa Instagram account ni Paolo, ang naging pagbabahagi niya ng kyut na larawan ni baby Avari at kalakip nga nito ay ang kanyang maikiling caption na nagpapahayag kung gaano siya kasaya bilang isang first time dad. “Pic says it all [heart emoji] #firsttimedad #cocomelonbaby #44cats”

Sa kabila naman ng pagiging abala ni Paolo sa kanyang trabaho at pag-gawa ng mga documentary project ay sinisigurado naman niya na ginagampanan niya ang pagiging ama kay baby Avari. Naglalaan nga siya ng panahon na maka-bonding ang sanggol, at kita nga sa kanyang mga mata kung gaano siya nag-eenjoy sa pagiging isang ama.

Bilang isang first time ay marami ring mga natutunan ngayon bilang isang tatay si Paolo, at ito ay kanya ngang ibinahagi. “Baby bonding eating chips (mama @mylaramorena will scold me) while papa is trying to finish documentation for a new project. Then my office chair and work itself gets hijacked as she insists on watching Garfield”, ani Paolo.

Dagdag pa niya, “Note to self: baby’s hands are quick and she capable of multitasking. She grabbed the whiteboard marker with her eyes glued to the monitor, uncapped it and… did some art design on her dress.. #firsttimedad #girldad #mamanotgonnabehappy”

Masaya naman ang mga tagahanga at pagsuporta ni Paolo Bediones para sa panibagong yugto ng buhay ng kanilang idolo, kung saan ay isa nan gang ganap na ama ito.