Connect with us

Showbiz

Binyag Ng Anak Ni Elisse Joson At McCoy de Leon Ikinatuwa Ng Mga Netizens

Published

on

Ang pagpapabinyag ang isa sa mga pinaghahandaan ng mga magulang para sa kanilang mga anak. Ito ay isang okasyon kung saan ang isang sanggol o bata ay inilalapit sa isang simbahan ng Diyos upang maging ganap na kaanib nito. Sa simbahang Katolika, ay madalas na sanggol pa lamang ang bata ay binibinyagan na, at ito ay mayroong iba’t ibang mga dahilan, base na rin sa magulang at namumuno ng simbahan.

Samantala, sa okasyon nga ng binyag ng isang sanggol ay iba’t ibang mga bagay ang pinaghahandaan ng isang magulang, kabilang na rito kung saan ang magiging venue ng binyag, ang mga ihahain na pagkain, at ang pinaka-importante ay kung sino ang mga magiging ninong at ninang ng kanilang anak. Talaga ngang mahalaga ang mga ninong at ninang sa buhay ng isang bata, dahil ayon sa ating kultura, ito ang magiging pangalawang magulang na rin ng mga anak natin.

Sina Elisse Joson at McCoy de Leon ay labis ang kasiyahan ng dumating sa kanilang buhay ang anak nilang si Felize, at mas doble ang galak nila ngayon na ito ay kanila ng napabinyagan.
Nito lamang nakaraan sa official page ng ‘Next by Metrophoto’ sa Instagram ay makikita ang mga nagagandahang larawan nina Elisse at McCoy kung saan kasama nila ang kanilang anak na si Felize.

Ang naturang mga larawan ay kuha nga sa naging baptism ni Felize na ginanap kamakailan nga lamang.
“Today is the continuance of a blessed life for Felize, filled with the love of God and her parents”, lahad sa captions ng mga larawan. “Congratulations @elissejoson and @mccoydeleon”, pagbati naman nito.

Makikita nga sa mga larawan kung gaano naging espesyal para kana Elisse at McCoy ang okasyon na ito na binyag ng anak nilang si Felize. Pagdating sa dekorasyon ay talagang masasabi na pinaghandaan ito ng mag-partner para sa kanilang anak.

Sina Elisse at McCoy ay pareho ngang naka-white outfit sa binyag na ito ng kanilang anak, at maging ang anak nilang si Felize ay nakasuot rin ng napakagandang white baptism dress kung saan ay talaga namang lumabas ang kanyang pagiging isang cute at adorable baby, idagdag pa ang pagiging masiyahin niyang sanggol.

Matatandaan na buwan ng Oktubre noong nakaraang taon ng ipakilala nina Elisse at McCoy sa publiko ang anak nilang si Felize, kung saan marami man ang nasorpresa sa pasabog nilang ito, ay mas marami naman ang natuwa dahil kitang-kita nga sa kanilang dalawa kung paanong mas naging makulay at makabuluhan ang kanilang buhay sa pagdating ng kanilang anak.