Connect with us

Entertainment

Boyfriend Ni Rabiya Mateo Binura Na Ang Mga Larawan Nilang Magkasintahan Sa Kanyang Social Media

Published

on

Magkasintahan sa kanyang SocMed, Naging Dahilan Para Maging Usap-Usapan ang Paghihiwalay Umano ng Dalawa Naging kapansin-pansin sa mga mata ng netizens ang naging pagbura ni Neil Salvacion ng mga larawan nila ng kanyang girlfriend niyang si Miss Universe Ph 2020 Rabiya Mateo.

Burado na nga sa IG ng binatang nurse ang mga larawan nila ng kasinatahang Ilongga beauty queen.
Matatandaan na isa sa mga post noon ni Neil para kay Rabiya na talaga namang kinakiligan ng mga netizens ay ang naging pagbati niya sa beauty queen sa ika-24 taong kaarawan nito na ipinagdiwang nga noong ika-14 ng Nobyembre taong 2020.

“Happy Birthday Love.” “I still get so emotional and felt so surreal seeing you achieving all the dream and harvesting all the blessings you deserve for all the hardworks you’ve done since you were young.
“Being proud is an understatement to what I feel towards your success, you’ve sacrificed so much in life but manages to remain optimistic in whatever situation you’ve faced…

“I’ve learned so much in life thru you, and I know you’ll use the influence you have to spread kindness and optimism to whoever you’ll meet along the way. “Stay Pheonomenal my Love!!! “I LOVE YOU.”

Samantala, noon nga lamang ika-24 ng Mayo, araw ng Lunes, ay may naging post si Neil sa kanyang Instagram, kung saan dito na rin nagsimulang mag-usisa ang mga followers niya kung bakit binura nito ang mga larawan nil ani Rabiya sa kanyang IG account.

Halos lahat nga ng mababasang komento sa IG post ni Neil ay iisa lang, at patungkol nga lang sa pagkabura ng mga larawan nila ng kasintahan. Narito ang ilan sa mga komento ng netizens;
“just curious why you don’t post anything abt rabiyaa?” “Bat deleted na pics ni queen rabiya dtoo?”
Hindi naman nagbigay ng anumang pahayag si Neil sa mga naging komento ng mga netizens patungkol sa pagbura niya ng mga larawan nila ni Rabiya sa kanyang socmed account.

Dahil saw ala pa ngang anumang pahayag na sinabi ang binata, ay umasa naman ang mga tagasubaybay nila na marahil ay nais lamang maging pribado ng dalawa sa kanilang relasyon, dahil nga naka-follow pa rin naman ang mga ito sa isa’t isa.

Matatandaan na inamin ni Rabiya Mateo na siya ay mayroon ng nobyo matapos niyang makoronahan bilang Miss Universe Philippines 2020, kung saan ang kanya ngang tinutukoy dito ay ang binatang si Neil Salvacion, isang nurse sa St. Lukes Medical Center.

Ayon nga kay Rabiya, ang binata ang kanyang kauna-unahang nobyo, at napaka-supportive nga umano nito dahil sa sinuportahan nito ang kanyang pangarap na maging Miss Universe Philippines. Bago pa man nga lumaban sa National pageant si Rabiya, ay nagsumpaan pa sila ni Neil na kahit makuha niya ang korona ay hindi niya iiwan ang nobyo.

Kinoronahan ngang Miss Universe Ph 2020 si Rabiya Mateo, at ayon sa naging panayam sa kanya matapos niyang makuha ang korona, ay ang kanya umanong nobyo na si Neil ang isa sa mga nagbigay ng suwerte sa kanyang buhay. Dagdag na saad pa nga noon ng beauty queen, hindi siya tutulad sa iba na kapag kinorohan na, ay iiwan na ang karelasyon.

Sa naging paglaban naman ni Rabiya sa Miss Universe 2020 ay hindi pinalad ang dalaga na maiuwi ang korona at titulo sa ating bansa, sa kabila nito ay nakapasok naman siya sa Top 21, at isa pa rin itong karangalan para sa marami niyang mga tagasuporta.