Showbiz
Brenda Mage Ipinakilala Na Sa Publiko Ang Bagong Gwapong Boyfriend

Kilala ng publiko si Brenda Mage bilang isa sa mga komedyante sa mundo ng showbiz, at sa mahabang panahon nga kapag nakakkapanayam ito ay hindi niya binabanggit o ayaw niyang mapag-usapan sa mga interview na tungkol sa kanyang lovelife. Kaya naman marami sa mga tagasubaybay at tagahanga ni Brenda ang talagang nagulat ng nito lamang nakaraang pagdiriwang ng Pride month ay ibahagi niya sa kanyang Instagram account ang tungkol sa kanyang bagong boyfriend.
Marami sa mga netizens ang talaga namang naaliw sa Instagram post ni Brenda Mage, kung saan noon ngang Pride month celebration ay ibinahagi niya ang larawan niya na kasama ang bago niyang boyfriend sa pag martsa sa nasabing selebrasyon.
“My jowa ulit ako”, ang naging caption ni Brenda sa naturang larawan. Ipinakilala ni Brenda si Gio Sta. Ana bilang kanyang bagong boyfriend. Si Gio ay mula sa Sta. Cruz, Laguna at makikita sa social media post ni Brenda na talaga namang madalas silang magkasama ng binate at na-i-enjoy nila ang company ng isa’t isa.
Makikita pa nga sa ibang pang larawan na ibinahagi ni Brenda Mage sa kanyang social media account na sila ni Gio ay madalas na magkasama sa iba’t ibang mga adventure. Isa nga sa mga makikitang masayang adventure ng mag-jowa ay ang larawan na sila ay nag-swimming sa isang falls, kung saan buhat-buhat pa nga ni Brenda si Gio.
Samantala, very open naman si Brenda sa kanyang mga fans pagdating sa relasyon nila ni Gio. Aminado din ang komedyante na hindi niya sigurado kung hanggang kailan magtatagal ang relasyon nila ng binata, ngunit Sabi niya, tanggap naman niya na wala naman talagang bagay na nagtatagal hanggang huli ang nais lamang nga niya ngayon ay ang ma-enjoy ang masayang relasyon nila ni Gio at kung ano pa ang ibigay sa kanya ng tadhana.
Kitang-kita naman kay Brenda kung gaano siya ka-happy ngayon, lalo na’t may isa na naman ngang tao na nagpaparamdam sa kanya na siya ay mahalaga at hindi siya makakalimutan na bigyan ng sorpresa. Sa katunayan, kamakailan nga lamang ay nakatanggap si Breda ng bouquet of flowers mula kay Gio na labis Ngan nagbigay kilig sa kanya.
Hindi naman naiwasa na sa kabila ng ‘goodvibes’ na ito para kay Brenda, ay mayroon pa rin ngang mag netizens na nagbigay ng negatibong komento tungkol sa relasyon nila ni Gio. Ilan nga sa mga netizens ang nagsabi na pera lamang ang habol ni Gio kay Brenda, at sa huli nga ay maiiwan na namang luhaan ang komedyante.
Nairto naman ang naging kasagutan ni Brenda sa mga haters ng kanyang post; “Yung mga magaganda at pogi nga naglolokohan, eh ano pa yung ganitong mukha… Ano, para sa inyo lang valid ang happy feelings?”, nakakatawa ngang sagot ni Brenda sa lahat ng kanyang mga haters.
Si Brenda Mage ay ang hinirang na fifth place sa PBB Community Season.
