Connect with us

Entertainment

Bugoy Carino Ibinahagi Na Magmula Maging Isang “Batang-Ama” Ay Malaki Ang Nabago Sa Kanyang Buhay

Published

on

Noong nakaraang taon, buwan ng Setyembre ay ginulantang ng teen star na si Bugoy Carino ang kanyang mga tagahanga ng isapubliko niya ang pagiging isa na niyang ganap na ama.
Sa edad nga na 18-taon ni Bugoy ay kanyang inamin sa lahat na siya ay isa ng ama sa kanyang dalawang taong gulang na noon na kanyang anak na si Scarlet. Si Scarlet ay anak ni Bugoy sa kanyang longtime girlfriend na si EJ Laure.

Dahil nga wala pa sa hustong gulang ng maging isang ama, ay aminado si Bugoy na talagang nahirapan siya sa pag-adjust ng kanyang buhay, ngunit sa kabila nito, ayon sa kanya, ay hindi naman naging hadlang ang pagiging isang batang-ama niya upang magampanan niya ng maayos ang responsibilidad niya sa kanyang anak.

Noon nga lamang nakaraang selebrasyon ng Father’s Day, nu’ng ika-20 ng Hunyo taon ng kasalukuyan, ay isa si Bugoy Carino sa mga ama ng tahanan na binigyang pugay dahil sa kanyang pagiging responsable at mapagmahal na ama sa kanyang anak.

Samantala, sa Instagram account naman ni Bugoy ay kanyang ibinahagi ang karanasan niya bilang isang batang-ama, at kung paano nabago ang kanyang buhay ng dumating sa buhay niya ang kanyang anak na si Scarlet.

“Nung naging daddy ako, nagbago ang ikot ng buhay ko. Naging madiskarte ako, naging kuripot, naging mauunawain at naging mas matatag. Madami akong pinagdaanan na pagsubok bago ako maging isang ganap na daddy, pero nung lumabas si ‘SCARLET,’ lahat ng problema lahat ng sakit na sinasabi ng ibang tao, lahat yun nawala”,ani Bugoy.

Ayon nga kay Bugoy hindi naging madali ang buhay niya sa pagiging isang batang-ama, dahil marami ang mga pagsubok na kinaharap niya, at isa na nga rito ay ang makatanggap siya ng masasakit na salita.

Ngunit dagdag niya, ng dumating sa buhay na niya ang kanyang anak, ay mas pinagtuunan na lamang niya ng pansin kung paano magiging isang responsable at mabuting ama, at hindi na nga pinansin ang mga negatibo na sinasabi ng iba.

Sa kabila naman ng maraming pagsubok, ay proud naman si Bugoy na ibahagi sa publiko, na sa kabila ng kanyang pagiging isang batang ama, ay maayos naman niyang ginagampanan ang pagiging ama sa kanyang anak. At proud din na sinabi na mahalaga ay nasa tabi siya ng kanyang partner at anak, at hindi niya naisip na takbuhan ang obligasyon niya sa mga ito.
“Mahirap maging batang ama pero gusto ko sabihin at ipagmalaki na proud ako kasi pinanindigan ko at hindi ko tinakbuhan ang responsibilidad ko.”

Ibinahagi rin niya sa kanyang IG post na ito kung gaano niya kamahal ang kanyang anak na si Scarlet.
“Kaya para sa anak ko at pamilya ko gagawin ko ang lahat maging maganda lang ang buhay natin. Mahal na mahal kita BABY SCARLET! @iamscarletcarino”
Binigyang pugay naman ni Bugoy sa huling bahagi ng kanyang post ang mga amang katulad niya na buong pagmamahal na nagsasakripisyo para sa kanilang pamilya.

“SA MGA DADDY’S NA NAGSASAKRIPISYO PARA SA PAMILYA AT ANAK NILA, MABUHAY PO KAYONG LAHAT! HAPPY FATHER’S DAY!”
Samantala, sa IG naman ng partner ni EJ Laure ay makikita ang naging pagbati nito. Kung saan ay isang matamis na mensahe nga ang ipinaabot ng 23-taong gulang na volleyball player sa batang aktor.

“Happy Father’s Day mahal @iambugoycarino03 thank you sa lahat! Mahal na mahal ka namin ni @iamscarletcarino na makulet [emoji] nandito lang kami nakasupport sa mga desisyon mo, positive vibes lang parati! Iloveyou”