Connect with us

Inspiring

Bumilib Sa 17-Taong Gulang Na Pinay Na Nakilala Sa Buong Mundo Dahil Sa Kanyang Husay Sa Computer Programming

Published

on

Maraming beses ng napatunayan ng mga Pinoy ang kanilang husay pagdating sa iba’t ibang mga larangan, at tunay na ilang mga kababayan na natin ang nakilala sa buong mundo dahil sa kanilang husay, galing sa kanilang talentong taglay.

Kamakailan nga lamang ay isa na namang kababayan nating Pinay ang kinilala na naman sa buong mundo, ito nga ay dahil sa kanyang ipinamalas na husay at galing pagdating sa computer programming o coding. Ang Pinay nga na ito ay kinilalang si Isabel Sieh, isang 17-taong gulang na dalaga na mula sa Antipolo City.

Marahil ay marami pa rin sa ating ang hindi nakababatid na ang mga softwares, applications, websites at maging iba’t ibang computer games sa ating cellphone o computer ay nagawa dahil sa coding. Isa nga sa mga nag-develop nito, ay may angking husay sa computer programming kagaya nga ng galing na mayroon ang dalagang si Isabel Sieh.

Ang talento nga ng 17-taong gulang na dalagang si Isabel ay kinilala sa buong mundo sa coding ng website na Interesting Engineering kung saan isa nga siya sa napabilang sa ‘7 Famous Computer Programmers Who Started Programming at Early Age.”

Tunay namang nakabibilib ang galing na ipinamalas ni Isabel dito, dahil hindi nga basta basta ang mga pangalan ng kanyang nakahanay sa nasabing listahan ng mga kalahok sapagkat ilan nga sa mga ito ay kabilang sa gumawa ng tech-giant companies tulad ni Bill Gates ng Microsoft at ni mark Zuckerberg ng Facebook.

Samantala, paano nga ba nagsimulang matuto ng coding si Isabel? Noon ngang taong 2021 ay naibahagi ni Isabel sa isang artikulo ng website ng Grid na siya ay nakitaan ng interes sa asignaturang Math ng kanyang teacher noong siya ay 10-taong gulang pa lamang. At dahil nga rito ay hinikayat siya nitong subukan ang pagko-coding, kung kaya ng panahon na ‘yon ay agad din nga siyang naghanap ng online sources kung saan siya matuto ng coding.

Ayon kay Isabel, ang Code Academy website ang ang nagbigay sa kanyang ng magandang resources upang matutunan ang coding, at ilan nga sa kanyang mga natutunan dito ay ang JavaScript, HTML (HYperText MarkUp Language) at CCC (Common Command Set).

Pagbabahagi ni Isabel, agad siyang nagkaroon ng interes na matutunan ang coding dahil sa kanya ngang ikinamangha ang mga maari niyang malikha sa pamamagitan nito.
“It was really interesting to me because I saw how I could create whatever I wanted. At that time, I loved playing games on my phone, and suddenly realized that I had the power to create those games that I loved”, kuwento ni Isabel.

Umani nga ng paghanga mula sa marami si Isabel, hindi lang dahil sa kanyang angking husay sa coding, kundi dahil na rin sa kanyang inityatibong buuin ang “Girls Will Code”, isang kumunidad na ang layunin ay turuan ng coding ang mga Pinay Teenagers upang mapaliit ang Information Technology (IT) gender gap. Napag-alaman naman na para matupad ni Isabel ang adhikain niyang ito, ay katuwang niya nga rito ang ilang mga giant IT companies, tulad ng Google at Accenture.

Isa pa sa mga nakakabilib kay Isabel, ay mayroon na nga siyang sarili niyang coding school, ito nga ay ang “The Coding School” na kanyang naipatayo noong siya ay 14-taong gulang pa lamang.
Sa kabila ng kanyang kaalaman na pagdating sa coding o computer programming, ay pinili pa rin ni Isabel na mas palawakin pa nga ito, kung kaya sa kasalukuyan ay nasa bansang Amerika siya at doon nga ay nag-aaral ng kursong Computer Science sa Stanford University.