Entertainment
Bunsong Anak Ni Alfred Vargas Kinagigiliwan Dahil Sa Taglay Nitong Kakyutan At Kagwapuhan

Pagpasok ng taong 2022 ay tila nga marami sa mga hinahangaan na celebrity couple at kilalang personalidad na magkarelasyon ang naging laman ng balita tungkol sa hiwalayan. Ngunit sa kabila nito, ay marami pa rin naman ang nanatiling matibay at matatag ang relasyon, kabilang na rito ang mag-asawang Alfred Vargas at Yasmine Espiritu-Vargas.
Si Alfred Vargas ay kilala bilang Kapuso actor at dating star ng GMA fantaserye na Entandia, samantala ang misis niya namang si Yasmine Espiritu-Vargas, ay isang non-showbiz personality, ngunit ang taglay na kagandahan ay mala-artista at madam ingang nagsasabi na may pagkakahawig ito sa Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.
Kahit magkaiba nga ng mundo na pinanggalingan, ay hindi nga ito naging hadlang sa mag-asawang Alfred at Yasmin, bagkus ay pinatunayan nga nila na sila ay tila talagang itinadhana sa isa’t isa. Sina Alfred at Yasmin ay 14-taon ng pagsasama bilang mag-asawa, at hindi maikakaila na sa haba ng panahon na pinagsamahan nilang ito ay napuno nga ito ng labis na kasiyahan at pagmamahalan, dahilan para sila ay mabiyayaan ng tatlong mga anak na mas lalo pa ngang nagpasya at nagpapatibay sa kanila.
Hindi naman maikakaila na ang tatlong mga anak ng mag-asawa na sina Alexandra, Aryana at Cristiano ay mga magaganda at gwapo, dahil nasa lahi naman nila. Samantala, sa murang edad ng mga anak ng mag-asawa ay marami na nga ang napapansin ng angking kagandahan at kagwapuhan ng mga ito, lalo na sa only son at bunsong anak nila na si Cristiano, na umaapaw naman talaga sa kagwapuhan at kakyutan.
Mas napansin pa ang kagwapuhan at taglay na ka-charmingan ni Alfred Cristiano IV o Cristiano, nang nito lamang ika-4 ng Hulyo ay magbahagi sa social media ang ina niyang si Yasmine ng napakagandang kuha na larawan ng bunsong anak.
Makikita sa Instagram ni Yasmine ang pagbabahagi niya ng napakagwapong larawan ni Cristiano, kung saan ay nakasuot nga ito ng barong tagalog, kung kaya naman marami sa mga netizens ang agad na namangha sa taglay na kagwapuhan ng bunsong anak ng mag-asawa.
Sa naturang larawan ay mapapansin din na tila nagmistulang isang binata si Cristiano, dahil na rin sa kanyang angking kagwapuhan at ka-charmingan habang nakatitig sa kamera. Maliban pa sa larawan na ito, ay isa pang kahanga-hangang larawan ni Cristiano ang ibinahagi ni Yasmine, at ito naman ay kuha habang nasa isang batuhan ang kanyang anak noong sila ay nag-beach vacation.
Kalakip naman ng larawan na ito ay ang caption ni Yasmine, kung saan ay inilarawan niya ang anak niyang si Cristiano bilang super sweet, kind and funny bunso. “There are no words to describe how much I love this little boy. the countless visit to the ER when I was pregnant, the almost 3 weeks confined in the hospital, the 8 months spent vomiting from morning till night, the vision and weight loss, the stress and fear, the preterm labor, the literally agaw-buhay pregnancy were all worth it!”
Dagdag pa niya, “There’s no limit and no end to my for you, my super sweet, kind and funny bunso.”
Hindi naman napigilan ng mga netizens ang mapa-komento sa larawan ni Cristiano at hangaan ang angking kagwapuhan ng naturang bagets, at may iba pa ang nagsasabi na ito ay magiging ‘future politician’ din tulad ng kanyang amang si Alfred na sa kasalukuyan nga ay newly elected councilor sa Quezon City.
