Connect with us

Entertainment

Cakes At Cupcakes Na Gawa Mismo Ng Aktres Na Si Ara Mina Ipinamahagi Niya Sa Mga Frontliners

Published

on

Isang endorser, entrepreneur at singer ang 40-taong gulang na sexy-actress na si Ara Mina, o mas kilala ng kanyang pamilya bilang Hazel Pascual Reyes.

Siya ay may napakagandang kapatid rin sa industriya ng showbiz, at ito ay si Cristine Reyes.

Mayroong anak si Ara Mina, at iyo ay si Amanda Gabrielle na ang ama ay si Mayor Patrick Meneses ng Bulakan, Bulacan.

Bilang isang sexy-actress ay masasabi nga natin na marami ang humahanga kay Ara Mina, dahil sa hindi lang siya magaling umarte kundi may angking karisma at kasexy-han din siyang taglay.

Nitong nakaraan lamang, ay mas bumilib sa aktres ang kanyang mga tagahanga, dahil sa pag-papaabot niya ng kanyang simpleng tulong para sa ating mga fronliners na nagbigay ng ngiti sa mga labi nito.

Sa kanyang social media account, nagbahagi ang aktres ng “appreciation post”, para sa ating magigiting na mga fronliners, tulad ng ating mga pulisya at health workers.

Hindi nga naman biro ang ginawa nilang pagpapatupad at pagbibigay serbisyo sa ating mga kababayan upang masigurado an gating kaligtasan laban sa pandemic na kinakaharap ng lahat sa atin ngayon.

Ibinahagi rin ng aktres, na noong Abril-14, 2020, ay naghandog siya ng simpleng pagpapaabot ng pasasalamat sa ating mga fronliners at ito ay sa pamamagitan ng pagbe-bake ng mga cakes at cupcakes na ipinamahagi niya sa mga “fronliners on duty” sa ilang mga lugar tulad ng Pasig, Quezon City, Rizal at Pampanga.

“First week of ECQ (enhance community quarantine), I was able to bake some cupcakes, cakes and went some food for our fronliners in Pasig Doctors Medical Center, AFP Medical Center, Angeles Pampanga Police Station 5 (near Hazelberry in Pampanga) as well as Police and Military officers in San Mateo, Rizal checkpoint. Just a little something for our heroes. Thank you to our fronliners, we salute you!”, ang naging pahayag ng aktres sa kanyang social media account.

Lingid naman sa kaalaman nating lahat, na ang aktres ay nagmamay-ari ng “Hazelberry Café’, kaya naman talagang may talento siya sa pagawa ng mga cakes and pastries na masasarap.

Hindi nga lamang sa mga Frontliners nagbahagi ng munting tulong si Ara Mina, dahil maging ang kanilang mga empleyado ay binigyan rin nila ng kaunting tulong ng kanyang partner.

“My partner and I were also able to share some groceries to our employees. Thank God for providing. Tulungan lang po tayo hanggat sa makakaya. We’re giving our best effort.

Donating also some friends na nagreraise ng funds. Still thinking of how we can help pa while still working from home for Hazelberry para kahit papano ay may maitulong po tayo sa ating kapwa. We can do this everyone!”, dagdag pa nga nito.

Marami nga naman ang napahangang muli ng aktres, dahil sa ginawa niyang pagtulong sa ating mga fronliners at maging sa mga empleyado nila.

Talaga nga namang nakakapag-pagaan ng pakiramdam sa ating mga fronliners, kapag may mga taong tulad ni Ara Mina ang nagpapa-abot ng munting tulong sa kanila at na-aappreciate ang pagod at hirap ng kanilang trabaho ngayon.

Mababakas nga naman sa mga mukha ng ating mga fronliners, ang kanilang saya ng makatanggap ng cakes at cupcakes mula sa aktres.