Connect with us

Showbiz

Camille Trinidad Ibinahagi Na Mas Mainam Na Magpatawad Kaysa Magtanim Ng Sama Ng Loob Sa Taong May Nagawang Pagkakamali Sayo

Published

on

Kamakailan lamang ay naging kapansin-pansin sa mga mata ng netizens ang naging pagbabahagi ng vlogger na si Camille Trinidad ng mga ‘qoutes’ na patungkol sa pagpapatawad. Sa isa ngang Instagram post ni Camille ay sinabi niya na mas mainam na magpatawad kaysa ang magtanim ng sama ng loob sa taong nakagawa ng pagkakamali sayo na nagdulot ng sakit ng iyong kalooban. Sinabi rin niya na mas piliin ang magpatawad kaysa magtanim ng galit sa kapwa.

Nag-post ng ganito ang vlogger matapos nga niyang masaktan sa naging pagkakamali sa kanya ng kanyang boyfriend na si Jayzam Manabat. Hindi nga naging madali para sa kanilang dalawa ang gulong pinasok ni Jam, at hindi lamang basta ang kanilang mga tagahanga at tagasuporta ang nasaktan kundi mas labis ngang nasaktan si Camille. Ngunit sa kabila nga ng sakit na kanyang naramdaman ay mas pinili ng vlogger na pairalin pa rin ang pagiging positibo sa buhay, kung saan ay mas pinili niya angmagpatawad sa kabila ng sakit at hirap na kanyang nararamdaman.

Sa iba pang online post ni Camille ay makikita rin ang muling pagbabahagi nito ng mga matalinhagang salita na patungkol sa pagpapatawad at paghihiganti. Ayon sa kanya, ang mga taong mapaghiganti yu’n ang mga mahihina, ang mga nagpapatawad naman sila ang mga mapagpatawag at ang mga hindi namamansin sila naman yu’ng mga matatalino.

Sina Camille Trininad at Jayzam Manabat ay kilalang mga YouTuber. Buwan ng Disyembre ika-2 ng taong 2016 ng magkaroon sula ng kanilang YouTube channel na tinawag nga nilang JaMill. Ang kauna-unahang debut video na kanilang ibinahagi sa kanilang YT channel ay ang “I Hate Pampanga (Hahahaha) -JaMill Vlogs”

Tunay nga naman na minsan ay pagdaraanan natin sa ating buhay ang labis na masaktan ng taong ating binigyan ng pagmamahal at pagpapahalaga, ngunit sa kabila nga nito ay mas magiging mainam ay payapa ang ating buhay kung matuto tayo na mas maging positibo at magbigay ng kapatawaran sa taong nakasakit sa ating damdamin. Nag kagaya na nga lamang ng ginawa ng vlogger na si Camille Trinidad.